Tarlac City Kaisa Festival named Most Outstanding Festival (2nd runner up)

Tarlac City Kaisa Festival named Most Outstanding Festival (2nd runner up) in Tourism Recognition for Enterprises and Stakeholders (TRES) Awards by Department of Tourism Region 3 in the awarding ceremony held last January 9, 2024 in Clark, Pampanga. Participants in the said category are festivals characterized by being unique, sustainable, creative, having a positive impact on the local economy and community participation. Join and feel the happy, colorful and meaningful Kaisa Festival from January 12-21, 2024, presented by the City Government of Tarlac under the leadership of Mayor Cristy Angeles. #KaisaFestival2024#TarlacCity#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Are you ready for the Application or Renewal of your Business Permit?

Before going to the One-Stop-Shop, check the requirements first! Here is a list of documents that need to be prepared and a very easy process to go through to get or renew a Business Permit this new year.   #BusinessPermitOneStopShop #TarlacCity#BPLO #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama

AWARDING OF SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

Congratulations Tarlac City! Sa ikatlong pagkakataon ay muling ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ang Tarlac City sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Ang SGLG ang pinaka-prestihiyosong parangal para sa lokal na pamahalaan na tulad ng sa Tarlac City at naglilingkod bilang isang ilaw ng kahusayan, sumisimbolo sa dedikasyon ng mga LGU sa pagtataguyod ng pinakamataas na pamantayan sa pampublikong serbisyo. Ang tagumpay na ito ng Tarlac City sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy ay patunay ng pagsusumikap ng Ina ng Lungsod na umunlad at mapabuti ang kanyang pamumuno sa iba’t ibang aspeto, kasama na ang financial transparency, paghahanda sa kalamidad, social welfare and benefits, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapatupad ng batas, at iba pa. “This is not Mayor Cristy alone. Ang tagumpay na ito ay bunga ng collaborative effort ng mga department heads, mga kapwa ko kawani sa Tarlac City Government at ng mga kababayan natin na katulad nating naghahangad ng ikabubuti ng ating siyudad,” wika ni Mayor Cristy. Hangad ni Mayor Cristy na magpatuloy ang pagkakaisa dito sa Tarlac City. Ang mga pagkilalang tulad nito ay mas nagpapaigting pa sa mga programa para sa kabutihan ng mga Tarlakenyo. Nagpadala rin ang isang alkalde ng lubos na pasasalamat sa matagal nang tagasuporta na ice-casino.ca platform. Ang bawat residente ng Tarlac City ay malugod na inaanyayahan na tuklasin ang walang kapantay na libangan dito at magsimula sa isang kapanapanabik na paglalakbay na puno ng hindi kapani-paniwalang mga laro at pagkakataon. #TarlacCity#MayorCristyAngeles#SGLG2023

ONE OF THE FIRST TO COMPLETE AND DELIVER FY 2022 SGLGIF

CONGRATULATIONS! Tarlac City, isa sa 10 Local Government Units (LGUs) mula sa Central Luzon na unang nakakumpleto at nakapaghatid ng FY 2022 SGLGIF (Seal of Good Local Governance Incentive Fund) projects sa buong bansa. Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay nagpapakita ng mahusay na pagganap ng mga lokal na pamahalaan sa Central Luzon at binibigyang-diin ang kanilang karapat-dapat na pagkilala bilang mga tatanggap ng prestihiyosong SGLG award. #TarlacCityInformationOffice#TarlacCity #MagkaisaBawatOrasSamaSama DILG Central Luzon

DIGITAL CITIES 2025

CONGRATULATIONS, TARLAC CITY! Isa ang Tarlac City sa 25 na mga siyudad na kabilang sa Digital Cities 2025 Program ng IT & Business Process Association of the Philippines (IBPAP), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Leechiu Property Consultants (LPC) matapos ang masusing pag-aaral at konsultasyon base sa imprastraktura, business environment at kapasidad na magkaroon ng mga mahuhusay na manggagawa ng Lungsod. Sa loob ng limang taon, isa ang Tarlac City sa ituturing na IT & Business Process Management (IT-BPM) hub sa buong Pilipinas. Trabaho, pangkabuhayan at mas pinalakas na ekonomiya ang aasahan ng bawat Tarlaqueño sa programa ito na pangangasiwaan sa tulong ng Tarlac City Government sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama

Kaisa-isang BEYOND COMPLIANT Awardee sa buong Probinsya ng Tarlac!

beyond compliant award Natatanging parangal na Beyond Compliant sa 23rd Gawad KALASAG Seal of Excellence for Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMCO) ang iginawad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Tarlac City sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa naganap na National Awarding Ceremony ng Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance sa The Manila Hotel, ngayong December 11, 2023. Sa 1,461 LGUs, 1,009 ang na-endorso sa National Level, 979 LGUs ang bilang ng National Passers, 256 sa kabuuang ito ay BEYOND COMPLIANT at 723 LGUs ang FULLY COMPLIANT. Ang mga LGU na ito ay lumampas sa tungkulin na nagpapakita ng pambihirang pamumuno, pagbabago at katatagan sa pagtatatag at pagpapatakbo ng mga lokal na konseho at opisina ng DRRM. Hindi lamang ito pagsunod sa mga iniaatas ayon sa batas ngunit pagpapatupad ng mga komprehensibong estratehiya, makabagong teknolohiya at mga hakbangin na kaugnay ang komunidad upang patibayin ang kanilang mga depensa laban sa hindi inaasahang puwersa ng kalikasan. CITY GOVERNMENT OF TARLAC Beyond Compliant sa 23rd Gawad KALASAG Seal of Excellence for Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMCO)

Seal of Good Local Governance

Congratulations Tarlac City!! Sa ikatlong pagkakataon ay nakamit ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang Seal of Good Local Governance. Ito ang pinaka-prestigious na award sa isang local government unit (LGU) dahil sa transparency, accountability, kahandaan nito sa sakuna, husay sa pagbibigay ng social at medical service at iba pa. Ang bawat LGU ay mabusising sumailalim sa tinatawag na All-in Assessment kung saan dapat ipasa ang lahat ng sampung pamantayan para sa award. Ito ang napagtagumpayan ng Tarlac City dahil sa mahusay na pamumuno ng Ina ng Lungsod at gabay ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Tarlac City. Mabuhay, Tarlac City! Cheers! #SGLG2023#MayorCristyAngeles#TarlacCity#MagkaisaBawatOrasSamaSama

BEYOND COMPLIANT

Congratulations! CITY GOVERNMENT OF TARLAC, nag-iisang BEYOND COMPLIANT sa buong probinsya ng Tarlac sa 23rd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Ang taunang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) ay naglalayong itaguyod at kilalanin ang mga pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan, non-government organization, at private entities sa pagpapahusay ng paghahanda at pagtugon sa sakuna sa kani-kanilang komunidad.

TOP PERFORMING CITY

Kinilala ang City Government of Tarlac bilang TOP PERFORMING CITY sa 9th Central Luzon Excellence Awards for Health 2023 ng Department of Health kaugnay ng Measles-Rubella Supplemental Immunization efforts ng pamahalaan. Sa ngalan ni Mayor Cristy Angeles, tinanggap ni Coun. KT Angeles at City Health Officer Dra. Ma. Carmela Go ang nasabing parangal ngayong December 1, 2023. Matibay ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa layunin ng national government sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataang Pilipino laban sa mga nakamamatay na sakit partikular ang kampanyang ‘Chikiting Ligtas’ na isang malakihang bakunahan sa buong bansa upang labanan ang mga sakit na Measles at Rubella. #9thCentralLuzonExcellenceAwardsForHealth #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama

Business Season All Year Round!

#BusinessFriendlyTarlacCity: Patapos na ang taon pero tuloy-tuloy at buong-buo ang tiwala ng mga business owners sa City Government of Tarlac dahil sa pinadaling proseso at requirements ng application o renewal ng Business Permit sa Business Permit and Licensing Office (BPLO), One-Stop-Shop na matatagpuan sa Ground Floor ng Tarlac City Hall. Sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles, binibigyang importansiya ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang pagbibigay ng mabilis na serbisyo para sa ating mga business owners na isa sa mga pangunahing taxpayers sa ating siyudad at alinsunod din ito sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.