Kinilala ang City Government of Tarlac bilang TOP PERFORMING CITY sa 9th Central Luzon Excellence Awards for Health 2023 ng Department of Health kaugnay ng Measles-Rubella Supplemental Immunization efforts ng pamahalaan. Sa ngalan ni Mayor Cristy Angeles, tinanggap ni Coun. KT Angeles at City Health Officer Dra. Ma. Carmela Go ang nasabing parangal ngayong December 1, 2023.

Matibay ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa layunin ng national government sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataang Pilipino laban sa mga nakamamatay na sakit partikular ang kampanyang ‘Chikiting Ligtas’ na isang malakihang bakunahan sa buong bansa upang labanan ang mga sakit na Measles at Rubella.

#9thCentralLuzonExcellenceAwardsForHealth

#TarlacCityInformationOffice

#MagkaisaBawatOrasSamaSama