Congratulations! CITY GOVERNMENT OF TARLAC, nag-iisang BEYOND COMPLIANT sa buong probinsya ng Tarlac sa 23rd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.

Ang taunang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) ay naglalayong itaguyod at kilalanin ang mga pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan, non-government organization, at private entities sa pagpapahusay ng paghahanda at pagtugon sa sakuna sa kani-kanilang komunidad.