Congratulations Tarlac City!! Sa ikatlong pagkakataon ay nakamit ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang Seal of Good Local Governance. Ito ang pinaka-prestigious na award sa isang local government unit (LGU) dahil sa transparency, accountability, kahandaan nito sa sakuna, husay sa pagbibigay ng social at medical service at iba pa.
Ang bawat LGU ay mabusising sumailalim sa tinatawag na All-in Assessment kung saan dapat ipasa ang lahat ng sampung pamantayan para sa award. Ito ang napagtagumpayan ng Tarlac City dahil sa mahusay na pamumuno ng Ina ng Lungsod at gabay ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Tarlac City.
Mabuhay, Tarlac City! Cheers!
#SGLG2023#MayorCristyAngeles#TarlacCity#MagkaisaBawatOrasSamaSama