CONGRATULATIONS, TARLAC CITY!

Isa ang Tarlac City sa 25 na mga siyudad na kabilang sa Digital Cities 2025 Program ng IT & Business Process Association of the Philippines (IBPAP), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Leechiu Property Consultants (LPC) matapos ang masusing pag-aaral at konsultasyon base sa imprastraktura, business environment at kapasidad na magkaroon ng mga mahuhusay na manggagawa ng Lungsod.

Sa loob ng limang taon, isa ang Tarlac City sa ituturing na IT & Business Process Management (IT-BPM) hub sa buong Pilipinas. Trabaho, pangkabuhayan at mas pinalakas na ekonomiya ang aasahan ng bawat TarlaqueƱo sa programa ito na pangangasiwaan sa tulong ng Tarlac City Government sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.

#TarlacCityInformationOffice

#MagkaisaBawatOrasSamaSama