ANGEL CARE PROGRAM
22-in-1

ANGELic SERVICES

Libreng serbisyo na ibinaba mismo sa mga barangay, handog ng City Government of Tarlac. Ito ang 22-in-1 Angel Care Program ni Mayor Cristy Angeles! Isa sa mga orihinal na programang alay sa mga kababayang Tarlakenyo ng lungsod!

Libreng late BIRTH CERTIFICATE REGISTRATION

Walang Birth Certificate, Walang Problema! Mag-apply para sa Libreng Late Birth Certificate Registration!

LINGAP ANGHEL BALIK ESKWELA PROGRAM

Summer days are over, get ready to learn! Hindi makukumpleto ang pagka-cool ng pagbabalik sa school kung walang ang mga libreng bags na may kumpletong school supplies para sa mga Grades 1-6 bawat pampublikong paaralan sa ating lungsod sa ilalim ng Lingap Anghel Balik Eskwela Program.

ANGHEL SCHOLARSHIP PARA SA MAGANDANG KINABUKASAn

Hawak ng ating mga kabataan ang susi sa paglikha ng isang maliwanag na hinaharap, kaya naman suportang pang edukasyon ang handog ng Angel Scholarship para sa magandang kinabukasan.

LOCAL JOB RECRUITMENT

Regular Local Job Recruitment ang sagot para sa ating mga job hunters na makakapagbigay ng maraming oportunidad sa paglago, pag-unlad at makatutulong sa poverty reduction sa lungsod.

FREE MEDICAL CHECK-UP

Keep your health in check thru preventive care upang matugunan ang mga potensyal na seryosong isyung pangkalusugan sa serbisyong handog ng Free Medical Check-up.

LIBRENG BLOOD TYPING

Mahalagang malaman ang inyong blood type, makatutulong kung kailangan mo ng pagsasalin ng dugo o nagpaplanong mag-donate nito. Sagot na ng Libreng Blood Typing ito.

ANGEL CARE PHARMACY

Always caring, always here ang Angel Care Pharmacy para sa Libreng gamot para sa mga Tarlakenyo kaya less gastos tayo kung magkasakit o kahit for maintenance medicines!

LIBRENG LEGAL SERVICES

Legal help desk at your service! Katarungan, kasagutan at tulong hatid ng Libreng Legal Services o Tulong Pang-legal.

LIBRENG KASALANG BARANGAY

It is love that makes the impossible, possible! Dahil sagot na ng Libreng Kasalang Barangay ang inyong dream wedding at pagtupad ng inyong pangarap sa pagsisimula ng magandang buhay as husband and wife.

LIBRENG BAKUNA LABAN SA COVID

Stop the Spread! Protect yourself! Kumuha ng libreng bakuna laban sa covid na magsisilbing proteksyon laban sa nakakapinsalang sakit na dulot ng Covid-19.

LIBRENG ATAUL O ANGEL CASKET

Libreng Ataul o Angel Casket para sa mga namayapang kapus-palad ng lungsod, tulong para maibsan ang hirap ng mawalan ng mahal sa buhay.

LIBRENG DENTAL SERVICES

Huwag indahin ang sakit sa ngipin! Libreng Dental Services ay libre na rin para sa mga kababayan natin!

LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION

Ipasuri at pabakunahan ang iyong mga aso at pusa sa pamamagitan ng LIbreng Anti-Rabies Vaccination ng mga Hayop! Magkaisa at sama sama tayo sa pagpuksa ng rabies!

LIBRENG NEWBORN KITS

Ahhhh! Another baby is on its way! Tunay ngang nakaka-happy ang blessing na ito kaya naman handog ng Angel Care ay Libreng Newborn Kits para kay mommy at baby!

libreng dialysis

Isang lifesaving step naman ang Tarlac City Dialysis Center para sa Libreng Dialysis, isang costly procedure ngunit libreng mapakikinabangan ng mga taga Tarlac City!

LIBRENG ANGEL CUT OPERATION

Totoy, no more! Benepisyong pangkalususgan at daan tungo sa pagkabinata ang handog ng Libreng Angel Cut Operation.

ANGHEL ALALAY PARA SA MAY SAKIT AT KAPANSANAN

Anghel alalay para sa may sakit at kapansanan, napapalawak ang serbisyong pangkalusugan dahil sa layunin nitong makapagbigay ng tulong sa operasyon, pagpapagamot o hospitalization para sa mga residente ng Tarlac City.

LIBRENG ANTIGEN TESTING

May Covid symptoms? Maging sigurista and worry no more sa ating Libreng Antigen Testing.

LIBRENG ANTI-RABIES VACCINES

Nakagat ng aso o pusa? Worry no more dahil sa serbisyong handog ng libreng anti-rabbies vaccines para makaiwas sa nakamamatay at peligrosong kundisyon na dulot ng rabies!

SKILLS LIVELIHOOD TRAINING SA PANGKABUHAYAN

Skills Livelihood Training sa Pangkabuhayan ang kailangan sa paghahasa ng kasanayan sa pangkabuhayan tungo sa pagiging financially independent individuals.

ANGEL LIBRENG SINE PARA SA LOLO AT LOLA

Old enough to retire, young enough to enjoy it! Deserve ng ating mga lolo at lola ang lahat ng happiness sa mundo kaya naman nariyan ang Angel Libreng Sine para sa Lolo at Lola para sa kanilang karagdagang libangan!

LIBRENG SALAMIN PARA SA MALINAW NA PANINGIN

Poor eye sight no more! Agapan ang panlalabo ng paningin bago pa ito magdilim sa pamamagitan ng Libreng Salamin para sa Malinaw na Paningin!