beyond compliant award

Natatanging parangal na Beyond Compliant sa 23rd Gawad KALASAG Seal of Excellence for Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMCO) ang iginawad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Tarlac City sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa naganap na National Awarding Ceremony ng Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance sa The Manila Hotel, ngayong December 11, 2023.

Sa 1,461 LGUs, 1,009 ang na-endorso sa National Level, 979 LGUs ang bilang ng National Passers, 256 sa kabuuang ito ay BEYOND COMPLIANT at 723 LGUs ang FULLY COMPLIANT. Ang mga LGU na ito ay lumampas sa tungkulin na nagpapakita ng pambihirang pamumuno, pagbabago at katatagan sa pagtatatag at pagpapatakbo ng mga lokal na konseho at opisina ng DRRM. Hindi lamang ito pagsunod sa mga iniaatas ayon sa batas ngunit pagpapatupad ng mga komprehensibong estratehiya, makabagong teknolohiya at mga hakbangin na kaugnay ang komunidad upang patibayin ang kanilang mga depensa laban sa hindi inaasahang puwersa ng kalikasan.

CITY GOVERNMENT OF TARLAC

Beyond Compliant sa 23rd Gawad KALASAG Seal of Excellence for Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMCO)