HON. CESAR P. GO

Anak nina Juanito Chan-Go at Gng. Aurora Quiambao-Perez na mula sa angkan ng mga negosyante, naniniwala si Konsehal Cesar na amas angkop ang kanyang kakayahan sa paglilingkod sa bayan. Nais niyang ibahagi ang kanyang buhay sa bayan. Nais niyang ibahagi ang kanyang buhay sa serbisyo publiko lalo na sa mga mamamayan na nangangailangan bukod pa sa pagnanasa na maitatag ang isang pamahalaan at lipunan na patas at may kapayapaan. Siya ay nakapagtapos ng kanyang elementarya sa Sto. Cristo Integrated School at sekondarya sa Don Bosco Technical Institute kung saan nasanay siya sa gawaing Maka-Diyos. Sa Kolehiyo naman ay nagtapos siya ng kursong BS Electrical Engineering sa Tarlac College of Technology ngayon ay Tarlac State University kung saan nahikayat siyang pangunahan ang Supreeme Student Council noong 1988 habang nag-aaral dahil nakitaan ng potensiyal sa pamumuno lalo na sa mga kabataan. Matapos ang kolehiyo ay nahalal na kagawad ng barangay Sto. Cristo mula 1988 hanggang 1992 na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na ibahagi ang kanyang adbokasiya para sa mga ka-barangay. Dahil sa mahusay na sebisyo ay nahikayat na tumakbo bilang Konsehal ng bayan ng Tarlac noong 1992-2001. Matapos ito ay nagpasiya munang magpahinga sa larangan ng serbisyo publiko si Konsehal Cesar at nanatili sa pribadong buhay. Sa pagsisimula ng terminong Angeles noong 2016, muling humabol sa pagkaka-konsehal bilang independiyenteng kandidato at pinalad na makabalik. Ipagpapatuloy sana niya ang kaniyang ikalawang termino noong 20019 ngunit hindi siya pinalad na makapasok. Sa paniniwalang talunan lamang ang sumusuko, muling sumubok si Konsehal Cesar sa nagdaang eleksyon 2022 at muli siyang nagwagi sa botohan at mapabilang sa bagong hanay ng Sangguniang Panlungsod. Sa ngayon ay masaya sa kanyang paglilingkod si Konsehal Cesar. Kasama sa kaniyang inspirasyon sa tapat na pagisisilbi ang kanyang asawa na si Josephine at mga anak na sina Jonathan, John October, Joana Niña at Joana Patricia na may kanya- kanya ng maayos na buhay.

HON. NECITO N. CHUA

Bagaman baguhan sa larangan ng pulitika, kabaliktaran naman pagdating sa pamumuno at pamamalakad dahil sa pinaggalingang pamilya ng mga negosyante ng lungsod, Si Konsehal Ato ay kilala sa pagsisikap upang umasenso sa pamamagitan ng organisadong pagtatrabaho – katangiang kaniyang ipinamalas nang siya ay manalbihan bilang Administrador ng pamahalaang lungsod taong 2014-2015. Partikular sa kaniyang prayoridad noon at maging ngayong siya ay halal na opisyal ay ang kalinisan ng lungsod. Nag-aral ng elementarya at sekondarya sa Bayanihan Institute at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Commerce major in Banking ang Finance sa Holy Angel University. Lahing tsino na may pusong maka-Pilipino at Tarlakenyo, si Konsehal Ato ay naninirahan sa Barangay Matatalaib at kapatid ng kilalang negosyante si Benigno Chua. Siya ngayon ang kinikilala bilang “panganay na kuya” ng Sangguniang Panlungsod ng Tarlac. Larawan din ng isang masayang pamilya ang mga Chua. Si Konsehal Ato ay nagsisilbing mabuting asawa kay Editha at huwarang ama sa tatlong anak na sina Adam, Sean at Ian, at lolo sa apat na apo sina Colin,Kaleb,Skyler at Soliel.

HON. VLADIMIR S. RODRIGUEZ

Isa sa mga pinaka-kilalang mambabatas sa lungsod ng ay si Konsehal Vlad na bukod sa pagiging masipag sa kaniyang tungkulin ay maraming naaaliw sa kaniyang pagiging pala-biro. Bagama’t isang halal na opisyal ay hindi makikitaan ng pagiging mataas kundi kayang-kaya niyang makibagay sa taumbayan. Kunsabagay, ito ang kinagisnan niyang ugali na laging maging malapit sa mamamayan na walang anumang namamagitang balakid. Ngunit hindi rin naman matatawaran ang kakayahan ni Konsehal Vlad. Nagtapos ng elementarya at sekondarya kapwa sa Don Bosco Technical Institute. Sa Kolehiyo ay nagtapos ng kursong Bs Business Administration major in Entrepreneurship sa Tarlac State University. Siya ay kilalang isang aktibong student leader dito. Unang pumasok sa serbisto publiko noong 1994-1997 bilang kagawad ng barangay Poblacion at nasundan to ng mahalal na Punong Barangay noong 1997-2004. Sa panahong ito ay nahalal bilang Ikalawang Pangulo ng Liga ng mga Barangay. Dahil sa tapat na pamumuno ni Vlad sa Barangay na siyang pinaka-puso ng lungsod, naging matibay ang kanyang pag-asa na makapasok sa mas mataas na posisyon sa lungsod bilang Konsehal. At noon na ngang 2004 ay nahalal sa posisyon na umabot sa tatlong termino Hanggang 2013. Matapos ito hinirang na noo’y Pangulong Benigno Aquino III bilang Direktor ng Poro POint Management Corp. hanggang sa nagpasyang muling humabol sa dating posisyon noong 2016 at pinalad na makabalik. Sa mga panahon ng kaniyang panunugkulan hindi mabilang na batas ang naisulong ni Konsehal Vlad na ngayon ay pinapatupad na at pinakikinabangan ng kaniyang mga kababayan. Sa kabuuan, makikita ang kasipagan at kahusayan ni Konsehal Vlad sa pamumuno sa posisyong kaniyang kinalalagyan. Dahil sa kaniyang taglay na dedikasyon, kasama ng mga pinagdaanang pagsasanay at mga organisasyong kinabibilangan na may malaking ambag sa kaniyang pagkakahubog, nagkamit na rin ng di mabilang sa parang at pagkilala sa Konsehal Vlad sa panahon ng kaniyang panunungkulan. Pangunahin na nagbibigay ng lakas ang kaniyang pamilya kabilang ang asawang si Jenilyn at mga anak na sina Vince Justine Vlad, Janeen Veronica, at John Vincent Vlad na ngayo’y lawaran ng isang huwarang tahanan.

HON. ROBERT ACE B. MANALANG

Isinilang sa lungsod ng Quezon noong April 26,1995 at siya ang bunsong anak nina dating Tarlac City Mayor Gelacio Roman Manalang at Gng. Lorna Bautista. Siya ay nag-aral ng elementarya sa Fairlane Young Achiever’s School at kalaunan ay lumipat sa Tarlac Montersorri School para sa kanyang sekondarya. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Far Eastern University ng titulong Bachelor of Science in Business Administration major in Legal Management. Siya ay isang negosyante, tagapamahagi ,magtitingi at dating mamamahayag sa Manila Bulletin Sports Digest mula taong 2013 hanggang 2016. Naglingkod din bilang Pangalawang Pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation ng Tarlac City mula 2010 hanggang 2013 at Tagapangulo din noon ng SK ng Brgy. San Rafael. Siya ay miyembro ng ibat0ibang socio-civic organizations tulad ng Rotary Club of Tarlac Metro, The Fraternal Order of Eagles – Capas Freedom Warriors Matikas Eagles Club, Cosmo P. Antonio Memorial Order of Demolay No. 80, at marami pang iba. Naglungsad siya ng programa na nag-aabot ng tulong medikal sa kanyang mga nasasakupan upang makatulong sa kanilang pangangailangang hospitalisasyon at mga medesina. Isa siyang magalang, masipagm mahusay na mananalita at politikong may kaalaman sa ibat ibang aspeto kaya naman siya napamhal sa komunidad. Ang marinig ang boses at gumawa ng pagbabago ang ilan sa mga dahilan kaya ninais niyang maging pulitiko mula pa noong siya ay  nasa kolehiyo. Ang magkaroon ng katarungan sa lipunan at gumawa ng kongkretong pagbabago ang ilan sa kanyang hangarin sa kanyang pagpasok sa larangan ng pulitika at humawak ng mahalagang posisyon. Naniniwala si Konsehal Robert na ang mabilis at agarang pag-talima sa mga bagay bagay ang paraan upang makatulong siya sa mas marami pang mamamayan na siya ring magbibigay patunay sa kanyang tagline na, “Aktibo,Aksyon Agad!”

HON. RICHARD B. DIOLAZO

Bagama’t isang negosyante, hindi rin nalalayo sa mundo ng pulitika si Konsehal Ricky Diolazo dahil ang kanyang ama na si Gil ay nagsilbi rin bilang punong barangay ng Poblacion noong kanyang kapanahunan. Si Konsehal Diozalo, Ricky sa mga kaibigan, ay nagtapos ng Business Administrator major in Management sa University of the East, at kasalukuyang miyembro at nagsilbing Grand Knight (2008-2010) ng Knight of Columbus Council 3655 at Don Bosco Alumni batch 85. Naging punong barangay ng Poblacion noong 2004-2010 bago umakyat sa Konseho ng Lungsod. Ilan sa mga naisulong niyang mga proyekto ay ukol sa imprastruktura,kabuhayan,kapayapaan at kaayusan, solid waste management, at special projects na bagama’t likas na tahimik at mahiyain ay makikita ang pagnanasa na makapagsilbi nang buong-puso sa kaniyang mga kababayan. Ipinanganak noong Agosto 25,1969, si Konsehal Ricky ngayon ay may tatlong anak sa kaniyang namayapang asawa. Ito ay sina Richard Lance, Rikky Lyka, at Rikki Louise na nagsisilbing huwarang pamilya sa komunidad.

HON. ENRICO J. DE LEON

Tinaguriang “Leon Guerrero” ng Konseho dahil sa katapangan sa pakikipaglaban kung ano ang tama,nararapat, at naaayon sa batas, si Konsehal Henry ay may busilak na kalooban at likas sa pagiging simple kung kaya’t kinikilala bilang tapat at makamasa. Siya ay sadyang malapit sa mamamayan lalo na sa mga sektor ng agrikultura na ilang taon niyang pinamunuan ang komitiba nito mula nang maging mambabatas. Si Konsehal Henry ay isang beterano pagdating sa paggawa ng batas dahil na rin sa mahabang panahong ginugol bilang isang lingkod bayan sa lungsod ng Tarlac mula 2001-2010. Matapos ito ay tumakbo bilang Bokal (Board Member) ng ikalawang Distrito ng Tarlac kung saan nakapagsilbi siya ng tatlong termino 2010 hanggang 2019 bago ang kaniyang pagbabalik sa lungsod bilang miyembro ng ika-8 Sangguniang Panlungsod. Naging miyembero rin siya ng Councilor’s League of the Philippines at Provincial Board Members League of the Philippines, Inc. Sa ilalim ng liderato ni noo’y City Mayor Genaro “Aro” Mendoza, naipatupad niya ang mga ordinansa gaya ng Magsikap,Magsaka,Mangisda Ordinance bilang permanenteng Cooperative Development Program ng pamahalaang lungsod at sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Angeles – ang mga Ordinansang Bantay ASF o ang Babay ASF Program ng lungsod, ang pagtatalaga sa mga bakanteng espasyo sa may Uniwide Area ng Brgy. San Nicolas bilang Pay-Parking Areas at ang paparehistro sa pag-aari ng mga kagamitang pang agrikultura at makinaryang pang pangisdaan. Isinulong niya rin ang Local Housing Board ng pamahalaang lungsod; ang pagpapagawa ang irigasyon ng palaisdaan sa mga Barangay ng Sto. Domingo, Laoang, San Juan De Mata, Care,Ungot,Tibagan, at Sapang Maragul pati ang mga alintuntunin sa paggamit ng mga ito; at ang pagbibigay ng insentibo sa mga nagbabayad ng buwis na nakapag-ayos ng kanilang delikwenteng mga bayarin. Si Konsehal Henry ay nag-aral ng elementarya sa San Jose Elementary School at sekondarya sa Don Bosco Technical Institute Tarlac samantalang tinapos ang kursong BS Civil Engineering sa University of the East at nakuha ang lisensya bilang ganap ng inhinyero noong 1982. Si Konsehal Henry ay asawa ni Jocelyn at ulirang ama kina Riyela Marrise, Erica Joy, Reb Marti at Paul Miko.

HON. JUDE JOSEPH S. DAVID

Tunay na anak ng Tarlac na naipanganak dito noong October 28,1958 at kasalukuyang naninirahan ngayon sa barangay Maliwalo, Tarlac City Nagtapos ng kanyang elementarya sa Holy Spirit Academy (ngayon ay College of the Holy Spirit Tarlac) 1967-1971 at secondary sa Don Bosco Academy (ngayon ay Don Bosco Technical Institute) mula 1971-1975 at ng kanyang tersiyaryo sa Osias College Inc. noong 1976-1979 sa kursong Bachelor of Science in Management. Si Konsehal Joji ay kapwa aktibo sa organisasyong sibiko at pang-relihiyon dahil sa dami ng mga hinawakan at sinamahang grupo sa probinsya, ilan dito ay ang Rotary Club of Tarlac kung saan siya ay pangulo nito mula 1990-1991, Knight of Columbus- 1st degree member, Philippine National Red Cross (PNRC) – Tarlac Chapter Board Member at Parish Renewal Experience (PREx) Batch 43 – St Michael the Archangel Parish, Vice Chairman Cursillos in Christianity- Tarlac bukod pa dito naging Presidente siya ng GPTA sa Ecumenical School, Don Bosco Techincal Institute at College of the Holy Spirit. Dahil may kaya ang pamilya nuya ay may karanasan na sa pulitika,masasabing beterenong pulitiko na rin si Konsehal Joji dahil mula 1998 hanggang 2001 ay nanungkulan siya bilang Board Member ng Tarlac 2nd District at pagpasok ng 2004 ay naglingkod naman bilang City Councilor kung saan nakapagtapos ng 3 termino kung saan sa mga panahong ito ay naitalaga rin bilang Provincial Federation President (2007-2010) at Ex – Officio Board Member ( 2010-2013) ng Philippine Councilor’s League. Muli siyang nagbalik Kapitolyo bilang Board Member ng Ikalawang Distrito ng Tarlac ( 2013-2022) para sa 3 termino. At nitong nagdaang halalan 2022 ay naibotong ikatlong pinaka-mataas na City Councilor at kabilang ng 9th Sangguniang Panlungsod. Sa kanyang kahanga-hangang panunungkulan ay naparangalan din si Konsehal Joji ng Most Outstanding Provincial Board Member of the Philippines sa Gawad Parangal 2000 ng Gawad International Inc. noong ika- 12 ng Nobyembre 2005 sa Manila Hotel at Outstanding City Councilor asa 4th Midyear Media Congress ng Central Luzon Media Associations, Inc. noong ika-11 ng Hunyo 2005 sa Farmlandia Resort and Hotel sa Bataan. Sa kanyang pagiging pribadong mamamayan, Si Konsehal Joji ay buthing asawa kay Gng. Liberty at mapagmahal na ama sa 4 na anak na sina Jenica Laurie, Jude Joseph II, Jared Joseph at Josephine Bettina.

HON. PEEJAY E. BASANGAN

May liwanag ang buhay, mga katagang sinambit ni Peejay sa burol ng kaniyang namayapang amang si Konsehal Pepito “Abel” Basangan noong Marso 2019, mga katagang ipinangako na ipagpapatuloy na pasisinagin para sa mga kababayang Tarlakenyo upang silay magkaroon ng maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng tapat at malinis na serbisyo. Sa biglaang pagpanaw ni Ka Abel, si Konsehal Peejay ang napili upang humalili rito dahil sa pagiging mapagkumbaba at malapit sa taumbayan. Bagito man sa larangan ng pulitika, natuto namang magsikap sa buhay at sa paggabay ng butihing ama noon, unti unti ay nakagawian ang pakikisalamuha sa mamamayan, hanggang sa kaniyang naging propesyon bilang isang physical therapist. Mula sa barangay Culipat kung saan nanilbihan din ang ama bilang kapitan habang siya ay miyembro ng Culipat Youth Catholic Council mula 2002-2004, natutunan ni Konsehal Peejay ang kahalagahan ng pagiging isang lider upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar kaya naman hindi nagdalawang isip nang mabigyan ng pagkakataon na tumakbo bilang konsehal ng lungsod. Bilang bagong halal na mambabatas, isinusulong ni Konsehal Peejay ang interes at karapatan ng mangagawang Tarlakenyo, ang pagpapalawak at pagpapatibay ng mga programa sa agrikultuka at kooperatiba, at itinataguyod ang mga program sa kalusugan. Nag-aral ng high school sa Osias Colleges Inc at natapos ng kursong Bachelor of Science in Physical Therapy sa Central Luzon Doctor’s Hospital Educational Institution at matapos ang pagaaral ay namasukan bilang medical representative sa isang pribadong kumpanya at kalaunan ay sa Tarlac Provincial Hospital upang maging bihasa sa tinapos na kurso. Siya ay sumailalim sa maraming pagsasanay na pangunahing layunin ay ang pagkalinga sa may kapanansanan. Dahil sa pagiging panganay, siya ngayon ang tumatayong padre de pamilya ng mga Basangan kasama ang inang si Sylvia at ama na rin sa nagiisang anak na si Persues Jacob sa asawang si Mary Anne na kaakibat niya ngayon sa pagtataguyod ng kanilang sariling pamilya bilang isang staff nurse sa ibayong dagat.

HON. KATRINA THERESA ANGELES-GO

Si Konsehal KT ay isinilang noong October 16,1987, ang pangalawang panganay sa apat na anak nina Tarlac City Mayor Maria Cristina Cuello Angeles at G. Victor Manguerra Angeles. Kapwa nagtapos ng kanyang elementarya at sekondaryang pagaaral sa College of the Holy Spirit, Tarlac City noong taong 1994 hanggang 2004 at nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa San Beda College sa Manila noong 2008 at ngayon ay isa ng lesinsiyadong nurse. Sa kabila ng kanyang propesyon sa larangan ng serbisyo medikal, nakilala si Konsehal KT bilang isang aktibong indibidwal dahil sa murang edad ay napabilang na siya sa samahang Junior Chamber International Inc. kung saan nakiisa siya sa mga aktibidad sa komunidad kasama ang iba pang kabataan. Marahil ito ang naging kanyang panimula sa pagiging magaling na pinuno dahil sa kasalukuyan siya ang tagapangulo ng Kaisa Women’s Organization, ang organisasyong may tinatayang 15 libong aktibong miyembro na naglalayong magbigay kasanayan sa mga kababaihan upang maging kanilang pang-matagalang kabuhayan sa tulong ng pamahalaang lungsod. Siya rin ang kasalukuyang ingat-yaman ng Tarlac City Tourism Council na hanggad pagyamanin ang turismo sa lungsod para sa ika-uunlad ng ekonomiya nito na mapapakinabangan ng lahat ng mamamayan. Bukod pa rito ay hinahawakan narin niya ang ibat-ibang matataas na katungkulan sa Northern Builders Tarlac, ang kilalang construction firm na itinaguyod ng kanyang mga magulang, at sa kasalukuyan ay nagsisilbi bilang Asphalt & Concrete Plant Manager nito. Sa Kanyang pagkakahalal bilang No. 1 City Councilor, hangarin ni Konsehal KT ang makaagapay ang Sangguniang Panlungsod bilang isa sa bagong miyembro nito at ang pamahalaang lungsod, sa pamumuno ni Mayor Cristy, sa paglikha at pagpapatupad ng makabuluhang mga resolusyon at ordinansa na nakatuon sa kaunlaran, kaayusan at pagiging progresibo ng lungsod kung saan lahat ng mamamayan ay nagkakaisa. Maliban sa pagiging huwarang personalidad, Si Konsehal KT ay nagsisilbing tapat na may bahay ng asawang si Kieffer at ulirang ina sa dalawa nilang anak na sina Rakki at Kenzo.