Menu

HON. RICHARD B. DIOLAZO

CITY COUNCILOR

Bagama't isang negosyante, hindi rin nalalayo sa mundo ng pulitika si Konsehal Ricky Diolazo dahil ang kanyang ama na si Gil ay nagsilbi rin bilang punong barangay ng Poblacion noong kanyang kapanahunan.

Si Konsehal Diozalo, Ricky sa mga kaibigan, ay nagtapos ng Business Administrator major in Management sa University of the East, at kasalukuyang miyembro at nagsilbing Grand Knight (2008-2010) ng Knight of Columbus Council 3655 at Don Bosco Alumni batch 85. Naging punong barangay ng Poblacion noong 2004-2010 bago umakyat sa Konseho ng Lungsod.

Ilan sa mga naisulong niyang mga proyekto ay ukol sa imprastruktura,kabuhayan,kapayapaan at kaayusan, solid waste management, at special projects na bagama't likas na tahimik at mahiyain ay makikita ang pagnanasa na makapagsilbi nang buong-puso sa kaniyang mga kababayan.

Ipinanganak noong Agosto 25,1969, si Konsehal Ricky ngayon ay may tatlong anak sa kaniyang namayapang asawa. Ito ay sina Richard Lance, Rikky Lyka, at Rikki Louise na nagsisilbing huwarang pamilya sa komunidad.