Menu

HON. KATRINA THERESA ANGELES-GO

CITY COUNCILOR

Si Konsehal KT ay isinilang noong October 16,1987, ang pangalawang panganay sa apat na anak nina Tarlac City Mayor Maria Cristina Cuello Angeles at G. Victor Manguerra Angeles.

Kapwa nagtapos ng kanyang elementarya at sekondaryang pagaaral sa College of the Holy Spirit, Tarlac City noong taong 1994 hanggang 2004 at nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa San Beda College sa Manila noong 2008 at ngayon ay isa ng lesinsiyadong nurse.

Sa kabila ng kanyang propesyon sa larangan ng serbisyo medikal, nakilala si Konsehal KT bilang isang aktibong indibidwal dahil sa murang edad ay napabilang na siya sa samahang Junior Chamber International Inc. kung saan nakiisa siya sa mga aktibidad sa komunidad kasama ang iba pang kabataan.

Marahil ito ang naging kanyang panimula sa pagiging magaling na pinuno dahil sa kasalukuyan siya ang tagapangulo ng Kaisa Women's Organization, ang organisasyong may tinatayang 15 libong aktibong miyembro na naglalayong magbigay kasanayan sa mga kababaihan upang maging kanilang pang-matagalang kabuhayan sa tulong ng pamahalaang lungsod.

Siya rin ang kasalukuyang ingat-yaman ng Tarlac City Tourism Council na hanggad pagyamanin ang turismo sa lungsod para sa ika-uunlad ng ekonomiya nito na mapapakinabangan ng lahat ng mamamayan.

Bukod pa rito ay hinahawakan narin niya ang ibat-ibang matataas na katungkulan sa Northern Builders Tarlac, ang kilalang construction firm na itinaguyod ng kanyang mga magulang, at sa kasalukuyan ay nagsisilbi bilang Asphalt & Concrete Plant Manager nito.

Sa Kanyang pagkakahalal bilang No. 1 City Councilor, hangarin ni Konsehal KT ang makaagapay ang Sangguniang Panlungsod bilang isa sa bagong miyembro nito at ang pamahalaang lungsod, sa pamumuno ni Mayor Cristy, sa paglikha at pagpapatupad ng makabuluhang mga resolusyon at ordinansa na nakatuon sa kaunlaran, kaayusan at pagiging progresibo ng lungsod kung saan lahat ng mamamayan ay nagkakaisa.

Maliban sa pagiging huwarang personalidad, Si Konsehal KT ay nagsisilbing tapat na may bahay ng asawang si Kieffer at ulirang ina sa dalawa nilang anak na sina Rakki at Kenzo.