Menu

HON. EMILY L. FACUNLA

CITY COUNCILOR

Pagtatanggol sa karapatan ng mamamayan ang pangunahing adhikain ni Konsehal Emy tulad ng walang takot na ipinaglaban ang pinaslang na kapatid na si Konsehal Abel Ladera. Sadyang may kakabaang loob upang dinggin ang mga hinaing ng kaniyang mga kababayan, partikular ng mga kababaihan at mahihirap, siya ang nagsilbing boses ng masa sa Konseho. Hindi na rin baguhan pagdating sa paninilbihan sa bayan dahil nakapaglingkod na bilang Konsehal ng lungsod ng tatlong termino.

Pagiging malapit sa tao ang siyang naging daan upang mailuklok sa posisyon si Konsehal Emy na pinagkatiwalaan ng madla na maging isang lingkod bayan. Sa kaniyang panunungkulan, nailatag niya ang Urban Poor Affairs Office, nagbigay sulong sa Tarlac City Omnibus Market Code na siyang naging sandata ng kasalukuyang administrasyon sa pagtatanggol ng karapatan ng mga manininda sa Uptown Public Market,nagpatupad ng mas komprehensibong batas sa regulasyon ng prangkisa ng pampasadang tricycle, nagbigay katuparan sa RA 9208 o ang Anti-Trafficking in Person Act of 2003, nagpatupad ng libreng Check up sa reproductive health ng mga kababaihan, at iba pang mahahalagang batas.

Nanumpang maglilingkod sa bayang tinubuan, si Konsehal Emy ay mula sa Barangay Balete kung saan siya ay nagtapos ng elementarya at sekondarya sa Tarlac College of Technology na kilala na ngayon bilang Tarlac State University. Nagtapos naman siya ng kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Accounting sa University of the East.

Nagsimula bilang isang tauhan sa Sangguniang Panlungsod noong 2001 kung saan siya nakinig,natuto at nanindigan hanggang sa pinalad na maihalal bilang Konsehal sa huling termino ni noo'y Mayor Genaro Mendoza noong 2007-2010 hanggang 2016, patunay na ang pagtitiwala sa kaniya ng taumbayan ay kaniyang pinapahalagahan.

Matapos ito ay pansamantalang nagpahinga sa lehislayon ngunit nagpatuloy magsilbi bilang Executive Assistant sa kapitolyo sa ilalim ng administarasyon ni Gobernador Susan Yap hanggang 2018, at hindi naglaon ay nakabalik upang ipagpatuloy ang nasimulang sebisyo publiko bilang mambabatas ng lungsod noong 2019

Bagamat abala sa serbisyo publiko ay nananatiling isang ulirang may bahay at ina si Konsehal Emy, bagay na ipinagmamalaki ng kanyang asawang si Max at apat na anak na sina Amiel Loiuse, Eleanna Fatima, Jhon Carlo at Kristine Gayle na siyang kaniyang inspirasyon sa pagiging lingkod bayan.