Menu

HON. VLADIMIR S. RODRIGUEZ

CITY COUNCILOR

Isa sa mga pinaka-kilalang mambabatas sa lungsod ng ay si Konsehal Vlad na bukod sa pagiging masipag sa kaniyang tungkulin ay maraming naaaliw sa kaniyang pagiging pala-biro. Bagama't isang halal na opisyal ay hindi makikitaan ng pagiging mataas kundi kayang-kaya niyang makibagay sa taumbayan. Kunsabagay, ito ang kinagisnan niyang ugali na laging maging malapit sa mamamayan na walang anumang namamagitang balakid.

Ngunit hindi rin naman matatawaran ang kakayahan ni Konsehal Vlad. Nagtapos ng elementarya at sekondarya kapwa sa Don Bosco Technical Institute. Sa Kolehiyo ay nagtapos ng kursong Bs Business Administration major in Entrepreneurship sa Tarlac State University. Siya ay kilalang isang aktibong student leader dito.

Unang pumasok sa serbisto publiko noong 1994-1997 bilang kagawad ng barangay Poblacion at nasundan to ng mahalal na Punong Barangay noong 1997-2004. Sa panahong ito ay nahalal bilang Ikalawang Pangulo ng Liga ng mga Barangay. Dahil sa tapat na pamumuno ni Vlad sa Barangay na siyang pinaka-puso ng lungsod, naging matibay ang kanyang pag-asa na makapasok sa mas mataas na posisyon sa lungsod bilang Konsehal. At noon na ngang 2004 ay nahalal sa posisyon na umabot sa tatlong termino Hanggang 2013.

Matapos ito hinirang na noo'y Pangulong Benigno Aquino III bilang Direktor ng Poro POint Management Corp. hanggang sa nagpasyang muling humabol sa dating posisyon noong 2016 at pinalad na makabalik.

Sa mga panahon ng kaniyang panunugkulan hindi mabilang na batas ang naisulong ni Konsehal Vlad na ngayon ay pinapatupad na at pinakikinabangan ng kaniyang mga kababayan. Sa kabuuan, makikita ang kasipagan at kahusayan ni Konsehal Vlad sa pamumuno sa posisyong kaniyang kinalalagyan.

Dahil sa kaniyang taglay na dedikasyon, kasama ng mga pinagdaanang pagsasanay at mga organisasyong kinabibilangan na may malaking ambag sa kaniyang pagkakahubog, nagkamit na rin ng di mabilang sa parang at pagkilala sa Konsehal Vlad sa panahon ng kaniyang panunungkulan. Pangunahin na nagbibigay ng lakas ang kaniyang pamilya kabilang ang asawang si Jenilyn at mga anak na sina Vince Justine Vlad, Janeen Veronica, at John Vincent Vlad na ngayo'y lawaran ng isang huwarang tahanan.