Menu

HON. NECITO N. CHUA

CITY COUNCILOR

Bagaman baguhan sa larangan ng pulitika, kabaliktaran naman pagdating sa pamumuno at pamamalakad dahil sa pinaggalingang pamilya ng mga negosyante ng lungsod, Si Konsehal Ato ay kilala sa pagsisikap upang umasenso sa pamamagitan ng organisadong pagtatrabaho - katangiang kaniyang ipinamalas nang siya ay manalbihan bilang Administrador ng pamahalaang lungsod taong 2014-2015. Partikular sa kaniyang prayoridad noon at maging ngayong siya ay halal na opisyal ay ang kalinisan ng lungsod.

Nag-aral ng elementarya at sekondarya sa Bayanihan Institute at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Commerce major in Banking ang Finance sa Holy Angel University.

Lahing tsino na may pusong maka-Pilipino at Tarlakenyo, si Konsehal Ato ay naninirahan sa Barangay Matatalaib at kapatid ng kilalang negosyante si Benigno Chua. Siya ngayon ang kinikilala bilang "panganay na kuya" ng Sangguniang Panlungsod ng Tarlac.

Larawan din ng isang masayang pamilya ang mga Chua. Si Konsehal Ato ay nagsisilbing mabuting asawa kay Editha at huwarang ama sa tatlong anak na sina Adam, Sean at Ian, at lolo sa apat na apo sina Colin,Kaleb,Skyler at Soliel.