A Week’s Spark of Greatness

Igniting a promising public service is one of our ways in expressing love for Tarlac City. Under the directive of Mayor Cristy Angeles, we’re committed to serving with compassion, dedication, and integrity.

NEW OFW KAISA CENTER TARLAC CITY!

On the directive of Mayor Cristy Angeles Ready to serve and give support to OFWs! OFW KAISA CENTER TARLAC CITY 2nd floor, Hall Tarlac City Hall, Hilario St, Barangay Ligtasan, Tarlac City Let’s work together for a better tomorrow for every OFW. Like and follow their official Facebook page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61558563733545…

It’s a ’KAPUSO’mazing night in Tarlac City!

“Forget muna ang problema! Nandito tayo ngayon para magsaya. Nandito ang GMA Kapuso Stars para gawing mas masaya ang ating Cityhood celebration!” – Mayor Cristy Angeles All out saya, kilig at unforgettable bond with the stars ang pumawi sa init ng summer ng mga Tarlakenyo hatid ng GMA Kapuso Fiesta Night sa Tarlac City Plazuela ngayong April 17, 2024. Pinaningning ang pagdiriwang ng ating Charter Anniversary nila Sparkle artists Andrea Torres, Kaloy Tingcungco, “Lilet Matias Attorney-At-Law” casts na sina Joaquin Domagoso, Jason Abalos, Zonia Mejia, “Abot-Kamay na Pangarap” star Richard Yap at Kapuso Host and Commediane Chariz Solomon. Handog ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang fun-filled affair na ito para lalong pasayahin ang ating anniversary celebration. Huwag palalampasin ang mga susunod na kaganapan sa 26th Tarlac City Charter Anniversary Celebration na sadyang ikinasa para sa katuwaan ng taumbayan!

CHECKMATE TO VICTORY!

“Parang buhay ang chess, nag-strategize ka sa buhay mo at kung ano ang gusto mong ma-achieve in your life ang next move mo ay paano mo ito ma-aachieve.” ~Mayor Cristy Angeles #BoardOverMatter ang naging game plan ng 92 chess players na mula sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA), Tarlac State University, Don Bosco Technical Institute – Tarlac, Tarlac National High School, mga senior citizens at iba pang mga kalahok galing sa iba’t-ibang panig ng Tarlac City at Tarlac Province sa naganap na Angel Chess Tournament ngayong April 17, 2024 sa Kaisa Convention Hall bilang bahagi ng 26th Tarlac City Charter Anniversary. #EveryMoveCounts sa blazing boardsat tactical game na chess na mas kinagiliwan ng bawat manlalarong Tarlakenyo dahil sa limpak-limpak na papremyo at mga plaques na handog ng City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles. Congratulations sa amazing checkmates Chess Lovers ng 26th Tarlac City Charter Anniversary – 1st Angel Chess Tournament! OPEN CATEGORY Champion (P15,000): Jamlier Uy 2nd Place (P10,000): Henry Calacday 3rd Place (P5,000): Angelito Hizon 4th Place (P2,000): Paul Tabago 5th Place (P1,000): Mark Caluag 6th-10th Place (P500): Paolo Cortez, Rainier Valdez, Joydie Cajuguiran, Maurak Arapat, Ryan Manabat TARLAC CITY TOP CATEGORY AWARDS Champion – Top Player (P5,000): Pykes Ranos 2nd Place (P3,000): Val Sangalang 3rd Place (P2,000): Teodorico Arcega Top Senior (P1,000): Jesus Tayag Top High School (P1,000): Fabian Paz Top Elementary (P1,000): Roman Nool Top 8 yrs. old (P1,000): Keith Lucas

Life’s Too Short, kaya I-Turn Off Muna ang Diet Mode at Mag Give-in na sa Tawag ng Cravings!

Me: Beshy, promise mag da-diet na talaga ako! Also me: Tara Let’s G sa Food and Trade Fair? Huwag nang mag joke sa sarili, dahil deserve na deserve mong mag foodtrip sa Food and Trade Fair, kaya naman sumugod na sa Espinosa Street at siguradong matu-Turn On ang iyong cravings sa dami ng pagpipiliang International Flavors kasama ang mga nakakatakam na booths dahil swak na swak yan sa Haki Takoyaki, The Borough Pizza Hub, 2D Pattie Drive by JNC Diner, Shawarma Avenue, TakoYummy, 3 Kings Shawarma and Buko Shakes, 5 Siblings, Mango Mania and Shawarma, Angel’s Pizza, Juicy Pizza & Drinks. Huwag nang magpahuli at magtungo na sa Food and Trade Fair at Banchetto. Nabusog ka na, nasuportahan mo pa ang ating mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). Legit na darating kang gutom, at uuwi kang busog! Legit na ma ke-cravings satisfied! Kaya, tara G! Food trippan na!

Kaway-Kaway sa mga Lovers sa Balingcanaway!

Lumalagablab ang init ng pagmamahalan ng mga bagong kasal sa Brgy. Balingcanaway sa isinagawang Kasalang Barangay ngayong araw, April 3, 2024, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles Hangad ng Ina ng Lungsod na patibayin at paunlarin ang pangunahing yunit ng ating lipunan kaya naman ito ay kabilang sa isa sa mga legacy programs ni Mayor Cristy na 22-in-1 Angel Care Program para bigyan ng pagkakataon ang mga nag-iibigang mga pares na gawing legal ang kanilang pagsasama.

Maayos, Ligtas at Patas na Kabuhayan sa Lansangan!

Maipatupad ang mahusay, epektibo at ligtas na sistema ng pampublikong transportasyon, nag-aambag sa paglago ng ekonomiya, at kalidad ng buhay ayon sa umiiral na mga batas ang layunin ng isinasagawang Road Safety and Monitoring Inspection ng Tarlac City Public Order and Safety Office (POSO) sa mga pangunahing kalsada ng lungsod. Ito ay bilang pagsunod sa mga umiiral na batas trapiko gaya ng pagkuha ng 2024 Mayor’s Permit na tumitiyak na nasa tamang kundisyon ang sasakyang pampasada para iwas aksidente o trahedya. Salamat sa pakikiisa ng mga namamasada na gumagampan sa kanilang tungkulin para sa lehitimong paghahanapbuhay at ligtas na byahe.

Focused on Another Fulfilling Week!

“May our hearts beat in unity, fueled by the spirit of service, and may our shared mission continue to touch lives.” – Mayor Cristy Angeles Monday good vibes dulot ng pakikinig sa Word of God at Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang Pastors’ Association, DILG Tarlac City, PNP Tarlac City, at BJMP Male Dormitory ngayong April 1, 2024 sa Kaisa Convention Hall. Iginawad ang mga sumusunod: P100K Cheque Barangay Cutural Festivity Fund to Brgys. Amucao, Buhilit & Sinait Financial Assistance to: Ms. Sasha Lacuna (P25, 000) Reigning Ms. Tarlac City 2024, Binibining Kanlahi & Tarlac’s Official Miss Universe Philippines Representative Roxan Santos (P20,000) As support for their participation in the Attitude New Clark City Ultimate Showdown Christopher Alamo, Erlinda Datu, Luzviminda De Guzman (P20,000 each) Support for Fire Victims 50 Free PSA Birth Certificate Copies Under the Angel Care Program 248 Assistive Devices (119 Handpumps, 66 Adult Wheelchair, 6 Pedia Wheelchair, 2 Specialized Wheelchair, 18 Single Cane, 30 Nebulizer, 2 Blood Pressure Apparatus, 2 Quad Cane, 2 Walker, 2 Crutches) Malugod naman ang pagtanggap ng City Government of Tarlac sa New Batch of Work Immersion Students mula CLDH E.I. (94), Rafaelites Academy (32), OJT Criminology Students mula Osias Colleges, Inc. (41).

Preparing our City Farmers to be El Niño -Ready!

Nakatutok ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa pagpapabuti ng kapakanan at proteksyon ng bawat sektor ng lipunan gayundin ang pagsisiguro na may sapat na kahandaan ang lahat sa bawat hamon ng sitwasyon at panahon para sa taumbayan. Bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño, isinagawa ang Farmers Forum na mayroong temang “Pulong-tulong at Ibayong Paghahanda sa Epekto ng El Niño Para sa Maunlad na Pagsasaka” sa pangangasiwa ng City Agriculture Office, kaantabay ang National Irrigation Administration (NIA) at ang Local Meteorologist mula sa PAG-ASA Gerona Tarlac, para sa mga lokal na magsasaka sa lungsod kung saan tinalakay ang mga hakbang kung paano makakayanan ang pagsapit ng El Nino na karaniwang nararanasan tuwing buwan ng Abril, Mayo at posibleng tumagal hanggang Hunyo na nakapagdudulot ng mainit na temperatura at kakulangan sa supply ng tubig. Tinalakay rin ang mga posibleng interbensyon at mga hakbang upang mabigyan ng solusyon ang epekto nito na karaniwang nagbubunsod ng tagtuyot at nagpapababa ng lebel ng tubig sa mga dam at iba pang pinagmumulan ng tubig, na pangunahing makakaapekto sa sektor ng agrikultura ng lungsod para sa kanilang kahandaan at upang maibsan ang pangambang dulot nito sa mga lokal na magsasaka ng Tarlac City. Mga pangarap – wala namang imposible, kung tayong lahat ay nangangarap. Alam po ninyo, madali lang mangarap, minsan, mahirap maging katotohanan ang mga ito, kaya siguro ang kailangan natin ang magkaisa tayo, magtutulungan tayo. Pagdating ng month of April and May, diyan tayo nakahanda kung ano’ng posibleng intervention na maitulong ng National Government at ng City Government sa atin. Hindi po kami hihinto ni Ma’am Ming, kakatok sa taas, hihingi ng tulong para sa inyo. Makakaasa po kayo na isinasapuso ni Mayor Cristy ang kapakanan ng bawat magsasaka dito sa Tarlac City. – Mayor Cristy Angeles

Pedalling for the Planet Under the Stars!

“Pagtulungan po natin ang pangangalaga sa ating inang kalikasan. This is not just a night ride but more importantly, this is a call to action to do our part in preserving our environment and saving our planet.” – Mayor Cristy Angeles Daan-daang bikers ang nakipadyak sa malakihang Earth Hour Bike Night Ride with Angels 2024 sa Tarlac City upang ipakita ang suporta sa climate change initiative gaya ng pagbabawas ng energy consumption ngayong March 23, 2024. Kaisa sa eco-friendly celebration ng Earth Hour sina Mayor Cristy Angeles at Mr. Vic Angeles bilang mga major sponsors ng event na inorganisa ng Tarlac Mountaineering Club. Parte rin ng aktibidad ang pamimigay ng raffle prizes na 3 Mountain Bikes, 1 Road Bikes, Gift Cheques at Cash Prizes mula sa mga sponsors. Ngayon, higit kailanman, ipakita natin ang kahalagahan at pagmamahal sa ating planeta. Patuloy tayong Magkaisa, Bawat Oras, Sama-Sama!