“Forget muna ang problema! Nandito tayo ngayon para magsaya. Nandito ang GMA Kapuso Stars para gawing mas masaya ang ating Cityhood celebration!” – Mayor Cristy Angeles

All out saya, kilig at unforgettable bond with the stars ang pumawi sa init ng summer ng mga Tarlakenyo hatid ng GMA Kapuso Fiesta Night sa Tarlac City Plazuela ngayong April 17, 2024.

Pinaningning ang pagdiriwang ng ating Charter Anniversary nila Sparkle artists Andrea Torres, Kaloy Tingcungco, “Lilet Matias Attorney-At-Law” casts na sina Joaquin Domagoso, Jason Abalos, Zonia Mejia, “Abot-Kamay na Pangarap” star Richard Yap at Kapuso Host and Commediane Chariz Solomon.

Handog ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang fun-filled affair na ito para lalong pasayahin ang ating anniversary celebration.

Huwag palalampasin ang mga susunod na kaganapan sa 26th Tarlac City Charter Anniversary Celebration na sadyang ikinasa para sa katuwaan ng taumbayan!