“Pagtulungan po natin ang pangangalaga sa ating inang kalikasan. This is not just a night ride but more importantly, this is a call to action to do our part in preserving our environment and saving our planet.” – Mayor Cristy Angeles

Daan-daang bikers ang nakipadyak sa malakihang Earth Hour Bike Night Ride with Angels 2024 sa Tarlac City upang ipakita ang suporta sa climate change initiative gaya ng pagbabawas ng energy consumption ngayong March 23, 2024.

Kaisa sa eco-friendly celebration ng Earth Hour sina Mayor Cristy Angeles at Mr. Vic Angeles bilang mga major sponsors ng event na inorganisa ng Tarlac Mountaineering Club.

Parte rin ng aktibidad ang pamimigay ng raffle prizes na 3 Mountain Bikes, 1 Road Bikes, Gift Cheques at Cash Prizes mula sa mga sponsors.

Ngayon, higit kailanman, ipakita natin ang kahalagahan at pagmamahal sa ating planeta. Patuloy tayong Magkaisa, Bawat Oras, Sama-Sama!