Lumalagablab ang init ng pagmamahalan ng mga bagong kasal sa Brgy. Balingcanaway sa isinagawang Kasalang Barangay ngayong araw, April 3, 2024, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles

Hangad ng Ina ng Lungsod na patibayin at paunlarin ang pangunahing yunit ng ating lipunan kaya naman ito ay kabilang sa isa sa mga legacy programs ni Mayor Cristy na 22-in-1 Angel Care Program para bigyan ng pagkakataon ang mga nag-iibigang mga pares na gawing legal ang kanilang pagsasama.