Maipatupad ang mahusay, epektibo at ligtas na sistema ng pampublikong transportasyon, nag-aambag sa paglago ng ekonomiya, at kalidad ng buhay ayon sa umiiral na mga batas ang layunin ng isinasagawang Road Safety and Monitoring Inspection ng Tarlac City Public Order and Safety Office (POSO) sa mga pangunahing kalsada ng lungsod. Ito ay bilang pagsunod sa mga umiiral na batas trapiko gaya ng pagkuha ng 2024 Mayor’s Permit na tumitiyak na nasa tamang kundisyon ang sasakyang pampasada para iwas aksidente o trahedya.

Salamat sa pakikiisa ng mga namamasada na gumagampan sa kanilang tungkulin para sa lehitimong paghahanapbuhay at ligtas na byahe.