Seal of Good Local Governance

Congratulations Tarlac City!! Sa ikatlong pagkakataon ay nakamit ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang Seal of Good Local Governance. Ito ang pinaka-prestigious na award sa isang local government unit (LGU) dahil sa transparency, accountability, kahandaan nito sa sakuna, husay sa pagbibigay ng social at medical service at iba pa. Ang bawat LGU ay mabusising sumailalim sa tinatawag na All-in Assessment kung saan dapat ipasa ang lahat ng sampung pamantayan para sa award. Ito ang napagtagumpayan ng Tarlac City dahil sa mahusay na pamumuno ng Ina ng Lungsod at gabay ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Tarlac City. Mabuhay, Tarlac City! Cheers! #SGLG2023#MayorCristyAngeles#TarlacCity#MagkaisaBawatOrasSamaSama

BEYOND COMPLIANT

Congratulations! CITY GOVERNMENT OF TARLAC, nag-iisang BEYOND COMPLIANT sa buong probinsya ng Tarlac sa 23rd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Ang taunang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) ay naglalayong itaguyod at kilalanin ang mga pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan, non-government organization, at private entities sa pagpapahusay ng paghahanda at pagtugon sa sakuna sa kani-kanilang komunidad.

TOP PERFORMING CITY

Kinilala ang City Government of Tarlac bilang TOP PERFORMING CITY sa 9th Central Luzon Excellence Awards for Health 2023 ng Department of Health kaugnay ng Measles-Rubella Supplemental Immunization efforts ng pamahalaan. Sa ngalan ni Mayor Cristy Angeles, tinanggap ni Coun. KT Angeles at City Health Officer Dra. Ma. Carmela Go ang nasabing parangal ngayong December 1, 2023. Matibay ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa layunin ng national government sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataang Pilipino laban sa mga nakamamatay na sakit partikular ang kampanyang ‘Chikiting Ligtas’ na isang malakihang bakunahan sa buong bansa upang labanan ang mga sakit na Measles at Rubella. #9thCentralLuzonExcellenceAwardsForHealth #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama