Angel Care Pharmacy

Libreng gamot para sa mga Tarlakenyo handog ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Mga kailangan o requirements:– Voter’s ID o alinmang valid ID na nagpapakita ng address sa Tarlac City.– Reseta mula sa City Health Center na sumasakop sa inyong lugar– Certificate of Indigency Open Monday to Friday8:00AM – 5:00PM Paalala lang po na strictly NO ID, NO MEDICINE po tayo. Maraming salamat po.

BRING YOUR UMBRELLA

As of 7:15 AM on Tuesday, PAGASA reported that moderate to heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Metro Manila, Laguna, Batangas, Rizal, Tarlac, Pampanga, and Bulacan within the next two hours. According to the weather bureau, the above conditions are being experienced in Quezon, Cavite, Zambales, and Bataan which may persist within two hours and may affect nearby areas. (X/PAGASA) Source: Philippine Star

Announcement!

Show off your passion and creativity! Join our poster making contest in celebration of Linggo ng Kabataan! -if you want to register your organization kindly access the link below: Source: City Planning and Development Office – Tarlac City

Preventing Alarming Dengue thru Misting

Puksain ang mga lamok na may dalang dengue at banta sa pampublikong kalusugan ang layunin ng isinagawang dengue misting sa Brgy. Dela Paz ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa tulong ng Environmental Health and Sanitation Unit ng City Health Office at City Environment and Natural Resources Office. Paglaganap ng sakit sa komunidad ang sama-sama nating tuldukan sa paglilinis ng kapaligiran at pagiging disiplinadong mamamayan!

ADVISORY

Ang Lungsod ng Tarlac ay patuloy na nagmamatyag upang mapanatiling ligtas ang lahat ng karneng mabibili sa ating pamilihang bayan. Laging may meat inspector sa ating bahay katayan at palengke upang masiguro na ang karneng inyong mabibili ay de kalidad at ligtas kainin. Para masiguradong ligtas sa anumang sakit ang inyong bibilhing karne, sundin lamang ang mga sumusunod: 1. Bumili lamang sa mga kilalang suki sa palengke 2. Laging maging mapanuri sa bibilhing karne. Kapag may ibang kulay o amoy ang karneng inyong bibilhin, agad ipagbigay alam sa market master ng inyong pamilihang bayan. 3. Huwag bibili ng karne sa labas ng pamilihang bayan o hindi kilalang meat shop. Para sa inyong tanong o concern tungkol sa ASF o report hinggil sa backyard na mga katayan, maaring tumawag sa 24/7 Aksyon Anghel Hotline: Smart: 0921 930 0047( Globe: 0977 048 9322; Landline: (045) 470 8647

PABATID TARLAC CITY!

SCHEDULED MALL AND SATELLITE VOTER’S REGISTRATION FOR THE MONTH OF AUGUST 2024. Tiyaking magdala ng valid government-issued ID bilang patunay ng pagkakakilanlan. Ang application forms ay makukuha nang libre sa registration site, o maaari ring i-download mula sa www.comelec.gov.ph. Frequently Asked Questions Q: May Cutoff po ba? A: Yes po. Para mapanatili ang pagsunod sa mga health protocols at Kung hanggang saan lang po ang kaya namin iaccomodate. Q: Anong Oras po pwedeng pumila? A: Kung maaari lamang po umaga po lahat dahil kung pupunta palang po kayo ng hapon baka maabutan na po kayo ng cutoff. Q: Meron po bang priority Lane? A: Yes po para po sa mga Senior Citizen , Pwd, Heavily pregnant at Indigenous Person. BYOB – Bring your own ballpen. Wear your face mask Please observe minimum health standard protocols.

KAISA OFW

Tuklasin natin ang mga serbisyo na inaalok ng OFW Kaisa, sa tulong at suporta ng ating minamahal na Mayor Cristy Angeles. Para sa mga interesado, makipag-ugnayan lamang sa kanilang FB Page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61558563733545 o bumisita sa kanilang tanggapan sa OFW KAISA CENTER TARLAC CITY, 2nd floor, Bulwagan ng Tarlac City Hall, Hilario St, Barangay Ligtasan, Tarlac City. Tayo’y magtulungan para sa mas magandang bukas ng bawat OFW.

For a Brand New Smile! 

Libreng Operasyon para sa mga ipinanganak na may cleft lip at cleft palate (bata o matanda) handog ng Operation Smile Philippines sa pakikipagtulungan ng Tarlac City Government sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Magtungo lang po sa Mayor’s Office tuwing Lunes (People’s Day).

KAISA WEATHER UPDATE

Mahigpit na inatasan ni Mayor Cristy Angeles ang Tarlac City Disaster Risk Reduction Management Office, mga barangay officials at mga concerned departments ng City Government of Tarlac na paigtingin ang pagiging alerto at kahandaan sa panahon ngayon ng tag-ulan. Bagamat wala pa ring inangat na rainfall warning or tropical cyclone warning signal for Tarlac Province or for Tarlac City simula kahapon, pinag-iingat pa rin ang lahat lalo na ang mga nasa mabababang lugar o barangay ng ating syudad. Sa trajectory ng bagyo walang landfall scenario at nasa dagat at ayon sa PAGASA ay may mga probinsya na ng North Luzon ang may TCWS#1. Monsoon rains ang nararanasan natin ngayon (ibig sabihin ay minsan mabigat na pag-uulan, hihinto pansamantala ngunit muling makakaranas ng pag-ulan). Ang tuloy tuloy na pag-ulan ay maaring palakasin ang mga alon sa ibabaw at ilalim ng ating mga estero, ilog at irrigation canals kung kaya iwasan na maligo sa mga ito.