Mahigpit na inatasan ni Mayor Cristy Angeles ang Tarlac City Disaster Risk Reduction Management Office, mga barangay officials at mga concerned departments ng City Government of Tarlac na paigtingin ang pagiging alerto at kahandaan sa panahon ngayon ng tag-ulan.
Bagamat wala pa ring inangat na rainfall warning or tropical cyclone warning signal for Tarlac Province or for Tarlac City simula kahapon, pinag-iingat pa rin ang lahat lalo na ang mga nasa mabababang lugar o barangay ng ating syudad.
Sa trajectory ng bagyo walang landfall scenario at nasa dagat at ayon sa PAGASA ay may mga probinsya na ng North Luzon ang may TCWS#1. Monsoon rains ang nararanasan natin ngayon (ibig sabihin ay minsan mabigat na pag-uulan, hihinto pansamantala ngunit muling makakaranas ng pag-ulan).
Ang tuloy tuloy na pag-ulan ay maaring palakasin ang mga alon sa ibabaw at ilalim ng ating mga estero, ilog at irrigation canals kung kaya iwasan na maligo sa mga ito.