Ang Lungsod ng Tarlac ay patuloy na nagmamatyag upang mapanatiling ligtas ang lahat ng karneng mabibili sa ating pamilihang bayan. Laging may meat inspector sa ating bahay katayan at palengke upang masiguro na ang karneng inyong mabibili ay de kalidad at ligtas kainin.
Para masiguradong ligtas sa anumang sakit ang inyong bibilhing karne, sundin lamang ang mga sumusunod:
1. Bumili lamang sa mga kilalang suki sa palengke
2. Laging maging mapanuri sa bibilhing karne. Kapag may ibang kulay o amoy ang karneng inyong bibilhin, agad ipagbigay alam sa market master ng inyong pamilihang bayan.
3. Huwag bibili ng karne sa labas ng pamilihang bayan o hindi kilalang meat shop.
Para sa inyong tanong o concern tungkol sa ASF o report hinggil sa backyard na mga katayan, maaring tumawag sa 24/7 Aksyon Anghel Hotline: Smart: 0921 930 0047( Globe: 0977 048 9322; Landline: (045) 470 8647