Empowering MSMEs in the City

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa pagbibigay ng unlimited support sa mga negosyante sa lungsod kabilang ang mga maliliit at nagsisimulang business owners tulad ng mga Mirco, Small to Medium Enterprises (MSMEs) upang matulungan ang bawat isa na lumago at makilala ang kanilang mga produkto. Sa tulong ng City Cooperative and Development Office, isinagawa ang profiling and validation para sa ChaChalap Food Products Mfg. Gourmet & Condiments na pagmamay-ari ng mag-asawang Jermie Cayanan at Jerome Cayanan sa Burot Tarlac City. FDA Approved at Tarlac City Approved ito mula sa packaging, production at lasa, siguradong mapapa cha-cha ka sa sarap! Tangkilikin ang sariling atin!

WALANG PASOK!!

September 17, 2024 Class Suspension in ALL LEVELS – Public & Private Schools in the City of Tarlac due to Tropical Cyclone “Gener” Please be guided accordingly. Stay safe Tarlac City!

Alagang Pangkalusugan, Garantisadong Masasandalan!

Uso na naman ang sakit ngayong tag-ulan, pero huwag mangamba, mayroon kang garantisadong masasandalan! Hatid ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles para sa mga kababayang Tarlakenyo sa lungsod, na nakapaloob sa kanyang 23-in-1 Angel Care Program – ang Libreng Gamot hatid ng Angel Care Pharmacy. Dalhin at i-present lamang ang sumusunod: – Voter’s ID o alinmang valid ID na nagpapakita ng address sa Tarlac City. – Reseta mula sa City Health Center na sumasakop sa inyong lugar – Certificate of Indigency Open Monday to Friday 8:00AM – 5:00PM Paalala lang po na strictly NO ID, NO MEDICINE po tayo. Maraming salamat po.

Tarlac City, Rank 17 sa National Ranking at Rank 4 sa Innovation Pillar sa lahat ng 116 Component Cities sa 2024 Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI).

Patuloy na pinapatunayan ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, ang kahusayan sa pagganap sa serbisyo publiko sa pagkakasungkit ng isa sa mga matataas na placement sa CMCI ngayong taon. Ang CMCI ay isang pagsusuri sa kakayahan ng mga Local Government Units (LGUs) sa paglago ng ekonomiya, pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga residente nito at pagpapahusay ng pangkalahatang kakayahan ng lungsod sa pag-usbong. Ayon sa CMCI, ang Tarlac City ay ika-17 sa 116 Component Cities sa buong Pilipinas na pinaka-epektibo sa pagpapatupad ng mga programa, polisiya at pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan. Nasa ikaapat naman na pwesto sa national ranking ang ating lungsod pagdating sa inobasyon. Ibig sabihin, ang Tarlac City ay Rank 4 na pinakamahusay at mabisa sa pagbuo, paggawa at pagpapatupad ng mga bagong proyekto, programa at serbisyo na layuning maging mas epektibo ang implementasyon ng mga ito na magdudulot ng magandang pagbabago.

Announcement!

Dahil sa walang sawang pagbuhos ng ulan, mukhang kailangan munang mag-stay sa bahay! September 6, 2024 — No Classes, in ALL LEVELS both Public and Private Schools. Tuloy ang pahinga ninyo, dear students — mag-iipon pa tayo ng lakas para sa susunod na mga pagsusulit! 

Announcement!

Walang pasok sa September 5, 2024, mga besh! Lahat ng level, public at private schools, stay at home lang muna! Mag-chill, magpahinga, at huwag kalimutang magreview (kunwari). Let’s go, Tarlac City! 

Angel Care Pharmacy

Libreng gamot para sa mga Tarlakenyo handog ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Mga kailangan o requirements:– Voter’s ID o alinmang valid ID na nagpapakita ng address sa Tarlac City.– Reseta mula sa City Health Center na sumasakop sa inyong lugar– Certificate of Indigency Open Monday to Friday8:00AM – 5:00PM Paalala lang po na strictly NO ID, NO MEDICINE po tayo. Maraming salamat po.

Pamasko para sa mga Seniors, Check na Check!

Pinaaga ang pasko sa patuloy na pamamahagi ng regalong Annual Cash Gift para sa mga senior citizens ngayong September 2, 2024 sa Brgys. San Jose De Urquico, Armenia, at Carangian. May pa-bonus pang foodpacks na ipinamigay ni Tarlac City Senior Citizens President Mr. Vic Angeles at Coun. KT Angeles upang lalong maiparamdam sa ating mga nakatatanda ang pagpapahalaga at pagmamahal.

Usapang 4Ps Updates

Pagpapalakas ng pagpapatupad ng mga social services tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa mga Tarlakenyo ng sanib-pwersang paglilingkod ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, at Department of Social Welfare and Development Office ang tinalakay sa 3rd Quarter City Advisory Council Meeting ngayong August 28, 2024.

CONGRATULATIONS!

ity Government of Tarlac under the leadership of Mayor Cristy Angeles RANK 17 – NATIONAL RANKING and RANK 4 – INNOVATION PILLAR (NATIONAL) AMONG 116 COMPONENT CITIES in the 2024 Cities and Municipalities Competitive Index. The Cities and Municipalities Competitiveness Index is an annual ranking of Philippine cities and municipalities based on an overall competitiveness score. This score is the sum of scores on five main pillars of economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, and innovation. The higher the score of a city or municipality, the more competitive it is.