Road to a Digital-Ready Tarlac City

“Magmula po ng maupo si Mayor Cristy we are trying to computerize, gawing modern ang governance namin. Successful naman po ang eLGU, welcome po at magtulungan po tayo!” ~Atty. Joselito Castro Kaisa ng National Government ang City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa layuning i-unify ang LGU system sa lahat government services ng LGU, National Government Agencies, at Government-owned and controlled corporations (GOCCs) gamit ang eGOV App PH at subsystem nito na eLGU system. Ang pilot offices na Local Civil Registry, Information Technology: FB at website ng LGU, BPLO at iba pa ay sumailalim onsite monitoring ng priority LGUs para sa implementasyon ng eLGU system ngayong June 20, 2024 para mapaigting ito sa darating na 2025 kaagapay ang DILG Region 3 sa pangunguna ni Division Head Engr. Mcgyver David at Ms. Mhelyn Kristel Tanhuenco, DILG Tarlac Cluster Team Leader LGOO VII Dennis Daruiz Department of Information and Communications Technology (DICT) Tarlac sa pangunguna ni Mr. Edwin Mendoza at Mr. Paulo Landicho. Matatandaan na isa ang Tarlac City sa mga 120 napili ng Department of Information and Communications (DICT), IT and Business Process of the Philippines (IBPAP), at Leechiu Property Consultants (LPC) sa mga sasailalim sa Digital Cities 2025 program na nabigyan ng eLGU monitoring system. Sama-sama nating gamitin ang kapangyarihan ng teknolohiya para sa pinabilis, pinahusay at pinasimpleng ugnayan at paghahatid ng contactless, paperless, at cashless na serbisyo sa publiko! I-download ang app sa https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app

Ang pundasyon ng bawat lungsod ay ang edukasyon ng mga kabataan nito.

Batid ng Ina ng Lungsod na ang pag-aaral ay nangangailangan ng mga gastos maging ito ay para sa matrikula, pagkain, transportasyon, o mga libro, kaya naman tuloy-tuloy ang pagganap ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles upang maitodo ang paggabay sa mga masisipag na scholar ng bayan upang maipagpatuloy ang pagkamit ng kanilang mga pangarap. Ipinamahagi ngayong araw ang Scholarship Allowance para sa 910 na iskolar ng lungsod para sa Academic Year 2024-2025, parte ng City of Tarlac Integrated Scholarship and Incentive Program (CTISIP) sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pangangasiwa ng City Treasury Office para sa mga sumusunod: •P10,500 (8,000 allowance, 2,509 book allowance) kada isa sa (386) Full Scholars ng Tarlac State University (TSU) at (26) Full Scholars ng Tarlac Agriculture University (TAU); •P8,000 Grantee 1 scholars – TSU (309), TAU (17) at Private Schools (62) •P4,000 Grantee 2 scholars – TSU (102), TAU (1) at Private Schools (7) Work hard, have fun, make history.

Collaboration & Integration to Innovate Gov’t Services!

#PublicServiceinaClick: Pinadaling access sa mga serbisyo ng pamahalaan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng one-stop-app na eGovPH Super App ang layunin ng isinagawang (2) dalawang araw na pagsasanay para sa “Deployment ng eLGU system (eNews & eBPLS) sa system ng Tarlac City kaisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac kasama ang mga itinalagang Administrators na naging posible sa tulong ng Department of Information And Communications Technology sa mahusay na pakikipag-ugnayan ng City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles. Sama-sama nating gamitin ang kapangyarihan ng teknolohiya para sa pinabilis, pinahusay at pinasimpleng ugnayan at paghahatid ng contactless, paperless, at cashless na serbisyo sa publiko! I-download ang app sa https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app

Recognize the Responsibility and Commitment -Protect Your Pets.

Ang pag-aalaga ng hayop, aso man o pusa ay isang napakagandang pribilehiyo, nakapagdudulot ito ng saya at pagmamahal sa ating mga buhay. Ngunit ito ay may kaakibat na responsibilidad sa pagpapanatiling masaya at malusog ang mga ito, at ang pagiging responsableng fur parent ay isang panghabambuhay na pangako. Ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ay todo ang pagbibigay suporta sa kapakanan ng mga alagang hayop maging sa mga tagapag-alaga ng mga ito, kaya naman patuloy ang mga makabuluhang programa tulad ng Free Deworming for Dogs at Free Vitamins Supplementation for Cats and Dogs na makapagbibigay ng karagdagang proteksyon sa inyong mga alagang hayop.

Kalayaan: Ang Ating Pinakadakilang Pamana

Sabay-sabay na iwinagayway ang mga watawat para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan bilang pagbibigay pugay sa mga bayani ng ating paglaya ngayong araw, bilang paalala kung saan isinasantabi ang nagbabantang kulay ng dominasyon, hindi na muling magpapasakop sa anumang panlabas na puwersa na namamahala o nagtatakda ng ating kapalaran at bilang panawagan para sa pagiging makabayan, at paggunita sa dangal ng bawat Pilipino sa mundo. Pinangunahan ni Tarlac City Mayor, Honorable Mayor Cristy Angeles, kasama ang numero uno na City Councilor, KT Angeles, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga City Government employees at iba pang mga lokal na opisyal ang flag raising ceremony na ginanap sa Tarlac City Plazuela, bilang simbolo ng ating pagkamakabayan at mapaigting pa ang pagmamahal sa ating bansa at sa ating kalayaan, parte ng selebrasyon ng ika-126 na taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan. Bilang isang lingkod bayan, bagama’t hindi ko man po mapapantayan ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga bayani, ay mabibigyang halaga ko pa rin ang ipinamana nilang kalayaan sa pamamagitan ng aking patuloy na pagsusumikap na makapag-lingkod nang maayos, malinis at tapat sa ating mga kababayan. Panunungkulang may puso at tunay na malasakit sa lahat ng sektor. Patuloy po sana tayong magkaisa upang mapangalagaan ang ating kalayaan para sa mga susunod na henerasyon. Huwag po nating hahayaang mabalewala ang mga sakripisyo ng ating mga magigiting na bayani na nagbuwis ng buhay para sa ating kasarinlan. – Mayor Cristy Angeles Nakiisa rin sa selebrasyon ang GMA Kapuso Network kasama ang mga GMA Kapuso Stars, mula sa bagong historical drama ng GMA, ang “Pulang Araw” na sina Dennis Trillo at Ashley Ortega at All-Out Sundays star, Mariane Osabel na nagbigay ng hindi matatawarang pagtatanghal para sa karagdagang kasiyahan ng mga dumalo rito. Ang okasyon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nagpapaalala sa atin na mag-ambag ng isang bagay tungo sa pag-unlad at kaunlaran ng ating bansa. Tunay ngang pinagpala tayo na tayo ay isinilang at lumaki sa isang malayang bansa. Mainit na pagbati ng Maligayang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa lahat!

United efforts in empowering, enforcing innovative & good regulatory practices towards an effective, efficient & inclusive government service delivery!

Ang hirap niyo naman pong i-evaluate, wala kaming maisulat. Very good, very commendable! – Ms. Mary Grace Manabat, CAO – ARTA, Central Luzon Regional Office Kaisa ng Anti-Red Tape Authority o ARTA ang City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa pagpapaangat ng kalidad ng serbisyo sa mga ahensya ng gobyerno sa pinalakas na kapasidad ng bawat departamento o opisina ng Pamahalaang Lungsod at sa pakikiisa sa pagsunod at pagtiyak na lahat regulasyon, batas at polisiya ay dumaan sa masusing pag-aaral para sa pinabilis na proseso ng transaksyon sa gobyerno. Tungo sa progresibong at produktibong epekto nito, muling isinagawa ng ARTA Regional Office ang regular inspeksyon sa City of Tarlac para sa validation ng mga action plans at pagsusuri sa estado ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) ayon sa Republic Act 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. Asahan ang patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para mapabilis ang proseso, maitaas pa ang kalidad ng mga serbisyo ng gobyerno para sa publiko tungo sa masiglang kalakaran sa ating lungsod dahil sa City Government of Tarlac, “Bawal ang RED TAPE!”

Sinlaki ng olympic-size swimming pool ang mga drainage canal na nasa ilalim ng MacArthur Highway!

Sa Urban Drainage Rehabilitation Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), lampas-tao na mga drainage canals ang inilalagay sa daan sa MacArthur Highway. Ang mga ito ang sumasalo sa tubig baha mula sa mga canals at drainage sa iba-ibang barangay na dadaloy naman sa pumping station upang madala ang tubig sa Masalasa Creek. PWEDE PALA na maibsan ang suliranin sa pagbaha dahil sa mahusay na pakikipag-ugnayan ni Mayor Cristy Angeles sa DWPH at mga Senators para sa mapondohan ang proyekto.

The City Government of Tarlac strictly implements the policy of NO NOON BREAK!

The “NO NOON BREAK” policy is prescribed under Republic Act No. 9485 or the Anti-Red Tape Act of 2007. Section 8 (e) of the law states that “agencies which render frontline services shall adopt appropriate working schedules to ensure that all clients who are within their premises prior to the end of official working hours are attended to and served even during lunch break.”

Immersing to Learn the Ways of Working Productively

Excited at ready to learn ang 88 new work immersion students mula Tarlac State University Laboratory School na maligayang sinalubong ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ngayong May 27, 2024. Mga payo tungkol sa pag-aaral, pangangalaga sa mental health at pag-alpas sa mga pagsubok ang ipinaabot ng Ina ng Lungsod sa mga mag-aaral bago i-deploy sa iba’t ibang mga opisina. Bilin pa niya, “To all of you, I wish you the best, good luck and pagdating ng araw, you’re success will also be my success because once upon a time, in your journey, magkakasama tayo sa city hall habang kayo ay natututo.” #WorkImmersionOrientation #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama Ang Work Immersion ay isang requirement sa K-12 Curriculum ng Department of Education upang maka-graduate ang mga senior high school students. Sumasailalim sa 10-day on job training ang mga ito kung saan natututunan nila ang angkop na pag-uugali sa workplace setting at kung paano gumagana ang mga opisina at mga empleyado rito.

United Efforts in Spaying/Nuetering Pets in Tarlac City

5 pets ang sumailalim sa maayos, ligtas at libreng operasyon na Angel Spay/Neuter Program nitong May 25, 2024 na regular na isinasagawa sa Tarlac City at Awareness & Responsible Pet Ownership Seminar para sa pet owners, ito ang tuloy-tuloy na kampanya ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa tulong ng International Wildlife Coalition Trust (IWCT) Philippines, Nutri Chunks, mga volunteer veterinarians at mga kawani ng City Veterinary Office para sa population control ng mga hayop, kanilang proteksyon at alagang mala-Anghel maging sa mga stray animals. No to neglect, abuse at killing ng pets sa sama-samang aksyon ng komunidad para sa dekalidad na pamumuhay ng ating mga furry-friends!