SPED students, special sa ating puso!

Pasiklaban ng talento at kasiyahan sa mga palaro ang pinagsaluhan ng Special Education (SPED) students mula sa Tarlac City Early Intervention and Rehabilitation Learning Center at Tarlac West Central Elementary School sa kanilang year-end get-together hatid ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Kaisa Convention Hall ngayong December 6, 2023.

Seal of Good Local Governance

Congratulations Tarlac City!! Sa ikatlong pagkakataon ay nakamit ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang Seal of Good Local Governance. Ito ang pinaka-prestigious na award sa isang local government unit (LGU) dahil sa transparency, accountability, kahandaan nito sa sakuna, husay sa pagbibigay ng social at medical service at iba pa. Ang bawat LGU ay mabusising sumailalim sa tinatawag na All-in Assessment kung saan dapat ipasa ang lahat ng sampung pamantayan para sa award. Ito ang napagtagumpayan ng Tarlac City dahil sa mahusay na pamumuno ng Ina ng Lungsod at gabay ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Tarlac City. Mabuhay, Tarlac City! Cheers! #SGLG2023#MayorCristyAngeles#TarlacCity#MagkaisaBawatOrasSamaSama

BEYOND COMPLIANT

Congratulations! CITY GOVERNMENT OF TARLAC, nag-iisang BEYOND COMPLIANT sa buong probinsya ng Tarlac sa 23rd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Ang taunang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) ay naglalayong itaguyod at kilalanin ang mga pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan, non-government organization, at private entities sa pagpapahusay ng paghahanda at pagtugon sa sakuna sa kani-kanilang komunidad.

TOP PERFORMING CITY

Kinilala ang City Government of Tarlac bilang TOP PERFORMING CITY sa 9th Central Luzon Excellence Awards for Health 2023 ng Department of Health kaugnay ng Measles-Rubella Supplemental Immunization efforts ng pamahalaan. Sa ngalan ni Mayor Cristy Angeles, tinanggap ni Coun. KT Angeles at City Health Officer Dra. Ma. Carmela Go ang nasabing parangal ngayong December 1, 2023. Matibay ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa layunin ng national government sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataang Pilipino laban sa mga nakamamatay na sakit partikular ang kampanyang ‘Chikiting Ligtas’ na isang malakihang bakunahan sa buong bansa upang labanan ang mga sakit na Measles at Rubella. #9thCentralLuzonExcellenceAwardsForHealth #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama

Business Season All Year Round!

#BusinessFriendlyTarlacCity: Patapos na ang taon pero tuloy-tuloy at buong-buo ang tiwala ng mga business owners sa City Government of Tarlac dahil sa pinadaling proseso at requirements ng application o renewal ng Business Permit sa Business Permit and Licensing Office (BPLO), One-Stop-Shop na matatagpuan sa Ground Floor ng Tarlac City Hall. Sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles, binibigyang importansiya ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang pagbibigay ng mabilis na serbisyo para sa ating mga business owners na isa sa mga pangunahing taxpayers sa ating siyudad at alinsunod din ito sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

CITY GOVERNMENT OF TARLAC CLIENT’S SATISFACTION FEEDBACK

ENGLISH SURVEY LINK: https://tinyurl.com/CGT-CSF-Form-EN TAGALOG SURVEY LINK: https://tinyurl.com/CGT-CSF-Form-FIL LIKE US ON FACEBOOK! Tarlac City Information Office FOR QUERIES, FEEDBACK AND COMPLAINTS Contact No. (045) 809-0111 YOUR FEEDBACK MATTERS TO US! #MagkaisaBawatOrasSamaSama

SA CITY GOVERNMENT OF TARLAC BAWAL ANG REDTAPE!

AWAL ANG MGA SUMUSUNOD AYON SA REPUBLIC ACT 11032 X MAHABANG PILA X CUT-OFF SYSTEM X NOON BREAK X FIXERS X PROSESONG WALA SA CITIZEN’S CHARTER Isumbong ang Red Tape sa alinmang sumusunod na paraan: 1. Tumawag sa Hotline ng Tarlac City Government Contact No. (045) 809-0111 2. Tumawag sa Presidential Complaint Center (PCC) Hotline: 8888 o Contact No. (02) 736 8621, 736 8645, 736 8603, 736 8629, 736 8621 3. Tumawag sa Contact Center ng, Bayan (CCB) Text: 0908 881 6565 o Contact No.: 1-6565 4. Tumawag sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) Contact No.: (02) 8478 5091, 8478-5093, 8478-5099 #MagkaisaBawatOrasSamaSama

In times of uncertainty and calamity, an emergency hotline is a necessity!

AKSYON ANGHEL PUBLIC ASSISTANCE HOTLINES Smart: 0921 930 0047 Globe: 0977 048 9322 Landline: (045) 470 8647 Open 24/7 for assistance by Tarlac City Disaster Risk Reduction Management Office under the directive of Mayor Cristy Angeles. #AksyonAnghelBenteKwatroOras#TarlacCity #EmergencyResponseandPublicAssistance #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama

Suportang Pang-Agrikultura Para sa Mabilis na Pag-unlad ng mga Magsasaka!

Matibay ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa sektor ng agrikultura sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles bilang isa sa mga drivers ng economic growth at guardians of food security sa ating lungsod maging sa buong mundo. Patuloy pa rin ang pamamahagi ng fertilizer vouchers sa mga magsasaka sa Brgy. Buenavista, Capehan, Ungot at Amucao kasabay ng pamamahagi ng in kind fertilizer sa Brgy. Laoang at Brgy. Tibagan bilang suporta sa kanilang hanapbuhay. Kaalinsabay din nito ang pangangasiwa ng demo on Practical Hydroponics Technologies sa Brgy. Carangian Elementary School at pagbibigay ng assistance sa City Veterinary Office ng oral/subcutaneous deworming at pag-iniksyon ng bitamina sa mga baka, kalabaw at kambing sa Barangay Burot.