Matibay ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa sektor ng agrikultura sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles bilang isa sa mga drivers ng economic growth at guardians of food security sa ating lungsod maging sa buong mundo.

Patuloy pa rin ang pamamahagi ng fertilizer vouchers sa mga magsasaka sa Brgy. Buenavista, Capehan, Ungot at Amucao kasabay ng pamamahagi ng in kind fertilizer sa Brgy. Laoang at Brgy. Tibagan bilang suporta sa kanilang hanapbuhay.

Kaalinsabay din nito ang pangangasiwa ng demo on Practical Hydroponics Technologies sa Brgy. Carangian Elementary School at pagbibigay ng assistance sa City Veterinary Office ng oral/subcutaneous deworming at pag-iniksyon ng bitamina sa mga baka, kalabaw at kambing sa Barangay Burot.