Building Better Learning Environments in Tarlac City

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsasagawa ng on-site validation and monitoring sa proyekto para sa FY 2023 Local Government Support Fund – Support to the Barangay Development Program (LGSF – SBDP) Projects sa Tarlac City. Upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng inspeksyon at pagpapatunay ng LGSF – SBDP at matiyak na malinaw, may pananagutan, at tumutugon ang lahat sa pagpapatupad ng SBDP ay tinalakay ang mga guidelines sa pangunguna ni DILG Cluster Team Leader Jeff Manalastas. Ito ay naglalayong maunawaan ang mga benepisyaryo ang LGSF-SBDP projects monitoring & evaluation guidelines at maging pamilyar sa mga pamamaraan sa paggamit ng SubayBAYAN platform para sa mahusay at epektibong pagpapatupad ng programa. Sumunod ay isinagawa ang aktwal na inspection ng mga sumusunod na proyekto: • Two-Storey School Building at San Vicente Elementary School • Two-Storey School Building at San Nicolas Elementary School

MaluPET na Depensa Kontra Rabies

#RabiesShieldedPets: Pangmalakasan kalasag laban sa kinatatakutan at nakamamatay na rabies ang handog ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles parte ng 22-in-1 Angel Care Program at bilang bahagi ng Rabies Awareness Month, sa isinagawang Mass Anti-Rabies Vaccination for Pets sa St. Raphael Subdivision, Brgy. San Rafael.

Bukas-palad na Benepisyo para sa Bawat Kawani ng City Hall!

“It’s only here in Tarlac City na mayroon tayong CNA and that is something to be proud of because this is for our city hall employees, for all your hardword and we make sure that your welfare is well taken cared of”. ~Mayor Cristy Angeles Overflowing na blessing ang umaagos sa Tarlac City sa walang patid na suporta at pagpapahalaga ni Mayor Cristy Angeles sa mga empleyado nito lalo na sa pagtiyak na naipapaabot ang mga benepisyong nararapat sa mga ito gaya ng CNA Bonus. Dahil dito, isinagawa ang MOA Signing sa pagitan ng Tarlac City Government at Tarlac City Government Employees Association for Good Leadership and Efficient Service (TCG EAGLES) Union para sa Collective Negotiation Agreement Renewal upang opisyal na magbigay daan para sa CNA bonus ngayong taon.

“Proyektong Pangmatagalan, Para sa Kinabukasan ng Kabataan”

“God is helping us every time along the way. Alam po ninyo, putting God in the center of our administration has helped us a lot. Abe-abe bang matibe, we have so many dreams for Tarlac City, we want Tarlac City to be great, not just for us, but for the next generation. Thank you Lord for everything, thank you for all the countless graces and blessings that you have been bestowing to our people, to Tarlac City. ” – Mayor Cristy Angeles Patuloy na sinisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, na mapabuti ang kalidad ng edukasyon, ang sistema nito at tiyakin na ang lahat ng mga kabataang mag-aaral ay magkaroon ng maayos, matibay at komportableng lugar sa pagkatuto at magkaroon ng kasanayan na kailangan nila upang mamuhay ng malusog at produktibo bilang mga future leaders sa hinaharap. Pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles ang ribbon cutting ceremony sa inagurasyon ng dalawang magkahiwalay na proyekto na Multi-Purpose Hall sa Balibago Primero Integrated School at ng 3 classroom school building sa Matatalaib Elementary School.

Overcoming Challenges Together thru Financial AICSistance!

“Hindi po biro ang P10,000,000 na ipamimigay ngayong araw na ito. Kaya lahat po nito kaloob namin para sa inyong lahat, lahat po ginagawa natin, nagsusumikap tayo para maibaba ang maraming programa para sa taumbayan!” ~Mayor Cristy Angeles 3,333benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ng Lungsod ng Tarlac kabilang na ang mga senior citizens, Kaisa Women’s Organization (KWO), Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), magsasaka, at mga indigents mula sa 76 barangays ang nabibiyayaan at tumanggap ng P3,000 kada isa sa naganap na Assistances to Individuals in Crisis Situation (AICS) Pay-out sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni House Speaker, 1st District Representative, Leyte Hon. Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong March 5, 2024 sa Tarlac City Gymnatorium.

Edukasyon para sa lahat!

Suportado ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang pagsusulong ng ingklusibong edukasyon at maging sa pagkamit sa adhikaing “edukasyon para sa lahat”, sa pagtataguyod ng Special Education (SPED) sa lungsod at ng buong Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral na may kapansanan para sa pang-akademiko at maging sa holistikong paghubog ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa pagkatuto. Maaari nang mapakinabangan ng mga estudyanteng may kapansanan mula sa Tarlac West Central Elementary School ang Special Education (SpEd) Classroom mula sa Special Education Fund (SEF) para sa tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral dito.

Abot-Kayang Pangarap na Pabahay para sa ating mga Kababayan!

“Maswerte tayo dito sa Tarlac City dahil walang ganito sa ibang municipality, sa Tarlac Province tayo lang. Seize the opportunity kasi hindi lahat ay nabibigyan ng chance na magkaroon ng sariling bahay.” ~Atty. Joselito Castro Desente, ligtas, komportable at abot-kayang mga kabahayan para sa mga kababayan ang isinusulong ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa National Government sa inisyatibo ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSHUD) na matugunan ang kakulangan sa pabahay lalo na para sa mga nangangailangan o maralita nating kababayan sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino o (4PH Program) o Kaisa Angel Ville na itatayo sa La Vista Homes, Brgy. San Rafael na may 28 towers, 9,426 units (25 m²), 6 commercials, 22 residential at 1,208 parking lots. Para sa susunod na proseso na pre-qualification stage, isinagawa ang program orientation at Community Needs Assessment (CAN) ng Batch 1 & 2, 1st Cluster ng Government Employees ngayong February 29, 2024 sa Bulwagan ng Tarlac City Hall.

Nagmamahal, ang Anghel ng Tarlac City

Take a delightful trip down memory lane with the City Government of Tarlac, led by Mayor Cristy Angeles, as we highlight our heartfelt programs and stay united in our mission. Here are the January 2024 highlights.

Breaking a New Ground that Strengthens Public Safety & Security!

“Natutuwa po kaming masaksihan ang simula ng katuparan na matagal na ninyong pangarap na magkaroon ng sariling building ang Tarlac City PNP complex. And we are grateful to be a part of this dream come true to the donation of this land property for our Tarlac City PNP. Kinikilala po ng ating administrasyon ang napakahalagang papel ng ating kapulisan sa patuloy na pagunlad ng Tarlac City kung kaya lubos po ang aking suporta para sa Tarlac City PNP sa abot po ng ating kakayanan, Ang pagkakaroon po ng sariling gusali ng ating PNP is another burst in the history of Tarlac City”. -Mayor Cristy Angeles Hudyat ng pinahusay na pagliligtas ng buhay at pinalawak na oportunidad ng pagbibigay ng hustisya ng ating kapulisan ang naganap na Groundbreaking Ceremony ng Construction ng Tarlac City Police Station sa Brgy. San Nicolas ngayong February 21, 2024 kaisa ang City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles at ang Philippine National Police (PNP).

Saving Lives One Dialysis Treatment at a Time

Tarlac City Dialysis Center is here to help you be healthier Tarlaqueños! This Feb-ibig Monday, another 6 lives nanaman ang hinandugan ng love-filled service at mala-anghel na pag-aaruga ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Inspired by the people ang ika-22nd service na ito sa Angel Care Program ng Ina ng Lungsod na malaking tulong para less worries sa gastusin sa pagpapa-dialysis ng ating mga kababayan. Basta alagang Angels, siguradong lahat ay mab-bless! Para sa mga nagnanais na maging parte ng libreng dialysis treatment, maaari kayong magtungo sa Mayor’s Office para ma-assess ang inyong application. Bukas ang Tarlac City Dialysis Center mula 8AM to 5PM para sa inyo!