“God is helping us every time along the way. Alam po ninyo, putting God in the center of our administration has helped us a lot. Abe-abe bang matibe, we have so many dreams for Tarlac City, we want Tarlac City to be great, not just for us, but for the next generation. Thank you Lord for everything, thank you for all the countless graces and blessings that you have been bestowing to our people, to Tarlac City. ” – Mayor Cristy Angeles

Patuloy na sinisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, na mapabuti ang kalidad ng edukasyon, ang sistema nito at tiyakin na ang lahat ng mga kabataang mag-aaral ay magkaroon ng maayos, matibay at komportableng lugar sa pagkatuto at magkaroon ng kasanayan na kailangan nila upang mamuhay ng malusog at produktibo bilang mga future leaders sa hinaharap.

Pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles ang ribbon cutting ceremony sa inagurasyon ng dalawang magkahiwalay na proyekto na Multi-Purpose Hall sa Balibago Primero Integrated School at ng 3 classroom school building sa Matatalaib Elementary School.