“Maswerte tayo dito sa Tarlac City dahil walang ganito sa ibang municipality, sa Tarlac Province tayo lang. Seize the opportunity kasi hindi lahat ay nabibigyan ng chance na magkaroon ng sariling bahay.” ~Atty. Joselito Castro
Desente, ligtas, komportable at abot-kayang mga kabahayan para sa mga kababayan ang isinusulong ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa National Government sa inisyatibo ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSHUD) na matugunan ang kakulangan sa pabahay lalo na para sa mga nangangailangan o maralita nating kababayan sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino o (4PH Program) o Kaisa Angel Ville na itatayo sa La Vista Homes, Brgy. San Rafael na may 28 towers, 9,426 units (25 m²), 6 commercials, 22 residential at 1,208 parking lots. Para sa susunod na proseso na pre-qualification stage, isinagawa ang program orientation at Community Needs Assessment (CAN) ng Batch 1 & 2, 1st Cluster ng Government Employees ngayong February 29, 2024 sa Bulwagan ng Tarlac City Hall.