Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsasagawa ng on-site validation and monitoring sa proyekto para sa FY 2023 Local Government Support Fund – Support to the Barangay Development Program (LGSF – SBDP) Projects sa Tarlac City.

Upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng inspeksyon at pagpapatunay ng LGSF – SBDP at matiyak na malinaw, may pananagutan, at tumutugon ang lahat sa pagpapatupad ng SBDP ay tinalakay ang mga guidelines sa pangunguna ni DILG Cluster Team Leader Jeff Manalastas. Ito ay naglalayong maunawaan ang mga benepisyaryo ang LGSF-SBDP projects monitoring & evaluation guidelines at maging pamilyar sa mga pamamaraan sa paggamit ng SubayBAYAN platform para sa mahusay at epektibong pagpapatupad ng programa.

Sumunod ay isinagawa ang aktwal na inspection ng mga sumusunod na proyekto:

• Two-Storey School Building at San Vicente Elementary School

• Two-Storey School Building at San Nicolas Elementary School