Preventing Alarming Dengue thru Misting

Puksain ang mga lamok na may dalang dengue at banta sa pampublikong kalusugan ang layunin ng isinagawang dengue misting sa Brgy. Dela Paz ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa tulong ng Environmental Health and Sanitation Unit ng City Health Office at City Environment and Natural Resources Office. Paglaganap ng sakit sa komunidad ang sama-sama nating tuldukan sa paglilinis ng kapaligiran at pagiging disiplinadong mamamayan!

Maintaining a Clean City for Productivity and Efficiency

Regular na paglilinis sa lungsod ayon sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles, parte ng kanyang adhikain na #TarlacCityCleanCity. Isinagawa ang mga sumusunod na operasyon sa mga lugar na ito: Cleaning Operation sa Hilario St., Bypass Rd., Carangian, Brgy. San Vicente (in front of Maria Cristina Park), Sitio Bhuto, San Nicolas Common Terminal. Clearing Operation sa F. Tanedo St., Juan Luna St., Panganiban St. to Aquino Boulevard, RiverWalk Market, Espinosa St., Rizal St.. Set up Collapsible Tent at Rizal St. (in front of Tarlac City Hall) at Trimming Operation sa Brgy. San Jose.

Gabay sa Pagpapaunlad ng Pamilyang Tarlakenyo

Susi sa masaya at maayos na pamumuhay ng bawat pamilyang Tarlakenyo ang mga kaalaman na ibinahagi sa isinagawang Family Development Session para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Brgy. San Nicolas ngayong August 5, 2024. Batid ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang kahalagahan ng responsableng pagpapamilya kaya naman patuloy na tinututukan ang mga serbisyo para rito sa pamamagitan ng City Population Commission Office.

Mapagpagaling na Dialysis Center, Happy to Serve!

Libreng dialysis treatment ang daily dose of hope na hatid ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, sa mga pasyente ng Tarlac City Dialysis Center (TCDC) linggo-linggo. Libo-libong piso ang natitipid ng mga pasyente dahil sa programang ito kaya naman pusuan natin ‘yan!

Diskwento sa Abono para sa Magsasakang Tarlakenyo

Matibay ang suporta ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles kaisa ang Department of Agriculture – Region III sa mga magsasaka ng lungsod. Ipinagpatuloy ang pamamahagi ng mga Fertilizer Discount Vouchers sa mga eligible farmers ng Brgy. Tibag, Care, at Sta. Maria ngayong July 19, 2024 sa pangangasiwa ng City Agriculture Office, sa pamumuno ni Ms. Norma P. Tongol.

Tulong na Dagdag Kita sa mga Tarlakenyo, TUPAD na

Pandagdag na perang panggastos para sa mga pangangailangan ng pamilya ang hatid ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Workers para sa 177 bagong batch na benepisyaryo ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, katuwang ang Department of Labor and Employment.

GOOD NEWS! Tuloy tuloy na paggawa ng malaking drainage para iwas baha!

Maglalagay na ng lampas-tao at malalaking drainage sa Zamora St. na parte ng Urban Drainage Rehabilitation Project ng DPWH. Dito dadaloy ang tubig baha mula sa iba ibang drainage at canal sa Tarlac City na ilalabas ng pumping station sa Masalasa Creek. Kung kaya maiibsan na ang problema sa baha! Pansamantala, narito po ang ilang gabay para sa publiko simula July 1 Green Arrow – Zamora St. – ONE WAY from MacArthur Highway to TSU/McDO. Red Arrow – Light vehicles from TSU/McDo to MacArthur Highway. Route – from TSU/McDo to Rotary Lane to Capitol Gardens Gate 1 (LTO) to Gate 3 to Zamora to Highway. Alternate Route – from TSU/McDo to Magic Star to point of destination. Blue Arrow – Trucks and Buses (Long and Wide Vehicles) from San Pablo to TSU/McDo to Magic Star to Aquino Blvd to Lalam Goma. OTHERS: No Right Turn – from Macabulos Drive to Zamora St. No Left Turn – from MH del Pilar St (Gregmans) to Zamora St. Trucks and Buses from SIESTA /Zamora St. must left turn at TSU/McDo (Same Route) POSO personnel will be deployed for traffic management and other types of road assistance.

Innovation & Collaboration for an Overall Tarlac City Peace & Order!

“Thank you for your dedication in keeping our city safe and in order!” ~Mayor Cristy Angeles Batid ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles ang kahalagahan ng presensya at bukas na komunikasyon sa bawat sangay ng pamahalaan kaisa ang Civic Social Organizations at iba’t-ibang sector sa Tarlac City tungo sa napapanahong mga solusyon/aksyong nagpapalakas sa pwersa ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Dahil dito, usapang peace & order sa Tarlac City ang tema ng isinagawang City Peace and Order Council (CPOC), City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), City Risk Reduction Management Council (CDRRMC), Ecological Solid Waste Management Board (ESWMB), Local Council for the Protection of Children (LCPC), at Local Council on Anti-Trafficking – Violence against Women and Children (LCAT-VAWC) ngayong June 28, 2024 na naganap sa Executive Boardroom ng Tarlac City Hall. Inaprubahan ng konseho ang proposal para sa resolution na maging partner ang Tarlac Chapter Chaplain Ministry sa pagresolba ng isyu at concerns sa peace & order sa komunidad sa pamamagitan ng kanilang deployment sa iba’t ibang barangay. Bukod dito, inaprubahan din ang resolution na mabigyan ng oportunidad / referral sa TESDA o PESO ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) para sa posibleng tulong pangkabuhayan, skills development o employment.

Bayang Digital – Kinabukasang Progresibo, Gobyernong Epektibo

“Today, we celebrate your groundbreaking achievements. It has opened doors to new opportunities, improved our quality of life, and made our city more resilient and adaptive to the challenges of the modern world. All of you here, are part of this success. Let us work together to make Tarlac City a model of digital excellence.” – Mayor Cristy Angeles Kaisa ang City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, bilang isang digital city, sa pagdiriwang ng 2024 National ICT Month ng Department of Information and Communications Technology na may temang “Bayang Digital ang Bagong Pilipinas.” Isinagawa ang Culminating Activity Program ngayong June 28, 2024 sa Kaisa Convention Hall. Dinaluhan ito nila DICT Region 3 Director Engr. Antonio Edward Pare, DICT Tarlac Provincial Head Mr. Edwin Mendoza, Information Systems Program Head/ Instructor from Tarlac State University Ms. Ronalyn Domingo, OIC Chief of Technical Operations Division Engr. Mario Antonio Aya-ay, at Guests mula sa Philippine National Police, Department of Science and Technology, Armed Forces of the Philippines, Tarlac City ICT Council, at iba pang representatives mula iba’t ibang public at private sectors. Ang selebrasyon ng National ICT Month ng DICT ay isang tanda ng pagyakap ng lokal na pamahalaan sa mga modernong pamamaraan upang magsilbi at lalong pag-ugnayin ang gobyerno at taumbayan. Tara, Magkaisa tayo sa isang mas Progresibong Bukas!

United in Building & Addressing the Housing Needs of the City!

#4PHUpdate: Sama-samang pagtugon sa mga pangangailangan sa pabahay ng lungsod ang tinututukan ng City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles kaisa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Nagsagawa ng beripikasyon ang Kaerland Development Corporation (developer ng 4PH) sa lokasyon kung saan ito itatayo, ang mga access roads, existing concrete roads sa site, at census & tagging ng mga existing occupants ng Kaisa Angel Village nitong June 25. Ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) naman ay naglikom ng mga isinumiteng mga dokumento mula sa mga aplikante at para sa registration ng Homeowners Association o HOA.