“Thank you for your dedication in keeping our city safe and in order!” ~Mayor Cristy Angeles

Batid ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles ang kahalagahan ng presensya at bukas na komunikasyon sa bawat sangay ng pamahalaan kaisa ang Civic Social Organizations at iba’t-ibang sector sa Tarlac City tungo sa napapanahong mga solusyon/aksyong nagpapalakas sa pwersa ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Dahil dito, usapang peace & order sa Tarlac City ang tema ng isinagawang City Peace and Order Council (CPOC), City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), City Risk Reduction Management Council (CDRRMC), Ecological Solid Waste Management Board (ESWMB), Local Council for the Protection of Children (LCPC), at Local Council on Anti-Trafficking – Violence against Women and Children (LCAT-VAWC) ngayong June 28, 2024 na naganap sa Executive Boardroom ng Tarlac City Hall.

Inaprubahan ng konseho ang proposal para sa resolution na maging partner ang Tarlac Chapter Chaplain Ministry sa pagresolba ng isyu at concerns sa peace & order sa komunidad sa pamamagitan ng kanilang deployment sa iba’t ibang barangay. Bukod dito, inaprubahan din ang resolution na mabigyan ng oportunidad / referral sa TESDA o PESO ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) para sa posibleng tulong pangkabuhayan, skills development o employment.