Susi sa masaya at maayos na pamumuhay ng bawat pamilyang Tarlakenyo ang mga kaalaman na ibinahagi sa isinagawang Family Development Session para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Brgy. San Nicolas ngayong August 5, 2024.
Batid ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang kahalagahan ng responsableng pagpapamilya kaya naman patuloy na tinututukan ang mga serbisyo para rito sa pamamagitan ng City Population Commission Office.