Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa pagbibigay ng unlimited support sa mga negosyante sa lungsod kabilang ang mga maliliit at nagsisimulang business owners tulad ng mga Mirco, Small to Medium Enterprises (MSMEs) upang matulungan ang bawat isa na lumago at makilala ang kanilang mga produkto. Sa tulong ng City Cooperative and Development Office, isinagawa ang profiling and validation para sa ChaChalap Food Products Mfg. Gourmet & Condiments na pagmamay-ari ng mag-asawang Jermie Cayanan at Jerome Cayanan sa Burot Tarlac City. FDA Approved at Tarlac City Approved ito mula sa packaging, production at lasa, siguradong mapapa cha-cha ka sa sarap! Tangkilikin ang sariling atin!

Alagang Pangkalusugan, Garantisadong Masasandalan!
Uso na naman ang sakit ngayong tag-ulan, pero huwag mangamba, mayroon kang garantisadong masasandalan! Hatid ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles para sa mga kababayang Tarlakenyo sa lungsod, na nakapaloob sa kanyang 23-in-1 Angel Care Program – ang Libreng Gamot hatid ng Angel Care Pharmacy. Dalhin at i-present lamang ang sumusunod: – Voter’s ID o alinmang valid ID na nagpapakita ng address sa Tarlac City. – Reseta mula sa City Health Center na sumasakop sa inyong lugar – Certificate of Indigency Open Monday to Friday 8:00AM – 5:00PM Paalala lang po na strictly NO ID, NO MEDICINE po tayo. Maraming salamat po.

Tarlac City, Rank 17 sa National Ranking at Rank 4 sa Innovation Pillar sa lahat ng 116 Component Cities sa 2024 Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI).
Patuloy na pinapatunayan ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, ang kahusayan sa pagganap sa serbisyo publiko sa pagkakasungkit ng isa sa mga matataas na placement sa CMCI ngayong taon. Ang CMCI ay isang pagsusuri sa kakayahan ng mga Local Government Units (LGUs) sa paglago ng ekonomiya, pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga residente nito at pagpapahusay ng pangkalahatang kakayahan ng lungsod sa pag-usbong. Ayon sa CMCI, ang Tarlac City ay ika-17 sa 116 Component Cities sa buong Pilipinas na pinaka-epektibo sa pagpapatupad ng mga programa, polisiya at pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan. Nasa ikaapat naman na pwesto sa national ranking ang ating lungsod pagdating sa inobasyon. Ibig sabihin, ang Tarlac City ay Rank 4 na pinakamahusay at mabisa sa pagbuo, paggawa at pagpapatupad ng mga bagong proyekto, programa at serbisyo na layuning maging mas epektibo ang implementasyon ng mga ito na magdudulot ng magandang pagbabago.

Pamasko para sa mga Seniors, Check na Check!
Pinaaga ang pasko sa patuloy na pamamahagi ng regalong Annual Cash Gift para sa mga senior citizens ngayong September 2, 2024 sa Brgys. San Jose De Urquico, Armenia, at Carangian. May pa-bonus pang foodpacks na ipinamigay ni Tarlac City Senior Citizens President Mr. Vic Angeles at Coun. KT Angeles upang lalong maiparamdam sa ating mga nakatatanda ang pagpapahalaga at pagmamahal.

Usapang 4Ps Updates
Pagpapalakas ng pagpapatupad ng mga social services tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa mga Tarlakenyo ng sanib-pwersang paglilingkod ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, at Department of Social Welfare and Development Office ang tinalakay sa 3rd Quarter City Advisory Council Meeting ngayong August 28, 2024.

Making Our Dreams, Tomorrow’s Reality
Tuloy na tuloy ang pagsasakatuparan ng matagal nang pangarap ng Ina ng Lungsod, Mayor Cristy Angeles kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para sa mga kababayan sa siyudad na magkaroon ng sariling ospital na matatawag na “atin”, ang Tarlac City General Hospital na itatayo sa Brgy. Binauganan sa lupang donasyon ng New Tarlac Realty Co., Inc. Dahil sa mabuting pakikipag-ugnayan ng Alkalde sa mga mambabatas at ibinigay na tiwala sa kanyang mahusay na pamumuno, walang tigil ang pagbuhos ng blessings para sa construction ng nasabing ospital sa Tarlac City. Maraming salamat po sa tulong na donasyon ng mga sumusunod na Senador:• Sen. Bong Go – P25 million• Sen. Joel Villanueva – P100 million• Sen. Pia Cayetano/Sen. Alan Peter Cayetano – P100 million• Senate Minority Floor Leader Koko Pimentel – P100 million• Sen. Sonny Angara – P200 million

Ngiting pang-million dollar ng mga senior citizens, dulot ng Annual Cash Benefit Payout!
Hindi humihinto ang City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, sa pagpapasaya ng mga senior citizens sa lungsod bunsod ng patuloy na pamamahagi ng nasabing benepisyo sa Brgy. San Rafael ngayong August 20, 2024. Kasama ring tagapaghatid ng happy vibes si Tarlac City Senior Citizens Federation President Mr. Vic Angeles upang mamahagi ng regalong foodpacks mula sa Pamilya Angeles bilang parte ng kanilang gift-giving tradition.

Intensifying Cleaning of Waterways to Minimize Flooding
Patuloy ang pagsasagawa ng mga aktibong hakbangin ng Pamahalaang Lungsod ayon sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles upang matugunan ang mga isyu sa pagbaha sa Tarlac City sa pamamagitan ng ng mga aktibidad tulad ng Cleaning and Declogging ng mga drainage canal na nakapalibot sa Tarlac City General Hospital, kaagapay ang City Engineer’s Office – Construction and Maintenance Section. Ang pagsisikap na ito ay makatutulong sa pagtiyak ng malayang pagdaloy ng tubig-ulan upang mabawasan ang panganib ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan.

Tulong-Tulong sa Kalinisan Upang Iwas Panganib sa Kalusugan
Isa sa pinakamahalagang benepisyo ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ay ang pagtataguyod ng mas mabuting kalusugan at ang pagbabawas ng panganib sa mga sakit ang binibigyang prayoridad ng Pamahalaang Lungsod sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles parte ng kanyang hangaring mapanatiling ligtas ang bawat isa sa lungsod, kaya naman regular ang pagsasagawa ng cleaning at clearing operation sa Tarlac City. Cleaning ang Clearing Operation (August 13-14, 2024): Brgy. Tibag (dike side), Tarlac City Plaza, Paninaan Bypass Road, Brgy. Carangian, Molave, Brgy. San Vicente, MH Del Pilar St, Sto. Cristo, C. Santos St., Poblacion, Hilario St., Brgy. Ligtasan at Zamora St., Brgy. San Roque.

When Change Happens One Helping Hand at a Time
Ang pagpapalawak ng kamay sa oras ng pangangailangan ay maaaring makapagpabago sa takbo ng buhay ng isang tao. Kapag ang iba ay nahihirapan, bigyan sila ng isang kamay upang gabayan sila sa kanilang pagsulong. Patuloy itong nasasaksihan sa tunay na programang may malasakit sa mga kababayang nagnanais ng kaliwanagan at umaasang mawakasan ang bawat hinaing at alalahinin at makamit ang inaasam na kagaanan sa buhay, ang People’s Day na una at orihinal na program ani Mayor Cristy Angeles. Tao parati, sa loob man o labas ng lungsod. Isang testimonya ng tunay na serbisyong may puso.