Tuloy na tuloy ang pagsasakatuparan ng matagal nang pangarap ng Ina ng Lungsod, Mayor Cristy Angeles kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para sa mga kababayan sa siyudad na magkaroon ng sariling ospital na matatawag na “atin”, ang Tarlac City General Hospital na itatayo sa Brgy. Binauganan sa lupang donasyon ng New Tarlac Realty Co., Inc.
Dahil sa mabuting pakikipag-ugnayan ng Alkalde sa mga mambabatas at ibinigay na tiwala sa kanyang mahusay na pamumuno, walang tigil ang pagbuhos ng blessings para sa construction ng nasabing ospital sa Tarlac City.
Maraming salamat po sa tulong na donasyon ng mga sumusunod na Senador:
• Sen. Bong Go – P25 million
• Sen. Joel Villanueva – P100 million
• Sen. Pia Cayetano/Sen. Alan Peter Cayetano – P100 million
• Senate Minority Floor Leader Koko Pimentel – P100 million
• Sen. Sonny Angara – P200 million