Patuloy na pinapatunayan ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, ang kahusayan sa pagganap sa serbisyo publiko sa pagkakasungkit ng isa sa mga matataas na placement sa CMCI ngayong taon.

Ang CMCI ay isang pagsusuri sa kakayahan ng mga Local Government Units (LGUs) sa paglago ng ekonomiya, pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga residente nito at pagpapahusay ng pangkalahatang kakayahan ng lungsod sa pag-usbong.

Ayon sa CMCI, ang Tarlac City ay ika-17 sa 116 Component Cities sa buong Pilipinas na pinaka-epektibo sa pagpapatupad ng mga programa, polisiya at pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.

Nasa ikaapat naman na pwesto sa national ranking ang ating lungsod pagdating sa inobasyon. Ibig sabihin, ang Tarlac City ay Rank 4 na pinakamahusay at mabisa sa pagbuo, paggawa at pagpapatupad ng mga bagong proyekto, programa at serbisyo na layuning maging mas epektibo ang implementasyon ng mga ito na magdudulot ng magandang pagbabago.