Honoring our Dear Teachers, ‘Angels’ Behind our Success!

“Inilaan po ang araw na ito upang pasalamatan at kilalanin natin ang sakripisyo at dedikasyon ng ating mga pinakamamahal na guro. And as our way of recognizing the very vital role of our teachers in the progress and development of Tarlac City, the City Government of Tarlac, under our administration, continue to extend assistance that will aid our educators in their noble tasks. ” ~Mayor Cristy Angeles Pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles kaisa si Coun. KT Angeles ang selebrasyon ng pasasalamat para sa ating mga minamahal na guro ng DepEd – Tarlac City Schools Division, bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo, dedikasyon at mahalagang tungkulin na ginagampanan bilang pundasyon ng patuloy na pag-unlad ng ating lungsod at ng ating bansa ang naganap sa isinagawang World Teacher’s Day Celebration ngayong October 2, 2024 sa Tarlac City Gymnatorium.

Delivery of Gifts kay Lolo’t Lola, Done na!

Early Christmas treat to senior citizens, done and delivered by the City Government of Tarlac, under the leadership of Mayor Cristy Angeles. The last day of distribution of Annual Cash Benefit for this year was held this October 1, 2024 at Brgy. Willing. Additional gift food packs were distributed by Tarlac City Senior Citizens Association President Mr. Vic Angeles and Coun. KT Angeles as part of their family’s annual gift-giving.

Walang Udlot na Paggaling sa Gamot na Libreng Nagpapagaling!

Sakit na pasanin ng ating mga kababayan ang binibigyang lunas ng Angel Care Pharmacy na naghahatid ng libreng mga gamot mula pa noong 2018 na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles. Tinagurian itong botika ng pag-asa dahil sa libo-libong katao na naserbisyuhan at napagaling ng kauna-unahang libreng botika sa buong lalawigan ng Tarlac na matatagpuan sa mismong Tarlac City Hall.

Constructing a Better Tomorrow for Future Generations.

Tatlong community-driven development projects, tulad ng Improvement ng Day Care Center sa Brgy. Salapungan, Improvement of Multi-Purpose Hall sa Brgy. San Francisco at Construction of Multi-Purpose Hall, handog ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy ang magbibigay daan sa pagbabago at kaunlaran sa kanilang bawat komunidad, na siyang iiwang legasiya ng Ina ng Lungsod upang mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Lindol ka man, Prepared naman kami!

#Mala shake, rattle and roll na eksena ang mas pinalawak na paghahanda at pagtataas ng antas ng kamalayan ng bawat isa sa lindol. Tulong-tulong itong isinusulong ng lahat ng ahensya ng gobyerno at ng pribadong sektor kaisa ang City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa isinagawang Online Ceremonial Pressing of the Button para sa 2024 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Office of Civil Defense ngayong September 26, 2024, 9am para sa pinagsama-samang kagalingan, kaalaman at kakayanan ng bawat isa pagdating sa usaping lindol.

Serbisyong May Puso Para sa Tao

Patuloy ang malawak at komprehensibong programa ni Mayor Cristy Angeles na nakatutok upang paglingkuran at pamunuan ang mga tao nang may habag sa puso para mga kababayan nais ng kanyang tulong, sa kanyang nag-iisa at orihinal na programang People’s Day tuwing Lunes.

π‹πšπ₯𝐚𝐦𝐨𝐯𝐞 𝐨𝐧 𝐭𝐑𝐞 𝐌𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐚 π“πšπ«π₯𝐚𝐜 𝐂𝐒𝐭𝐲!

“Alam po ninyo God is good, nananahimik tayo biglang dumating ang mga good samaritans natin na “Lalamove” para tulungan tayong lahat. Nandiyan po sila nagbibigay serbisyo sa lahat ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng Express Delivery!” ~Mayor Cristy Angeles Pag-asa ang hatid ang tulong pangkabuhayan ng Lalamove na magbibigay ng pagkakataon na makapagbigay ng job opportunities para sa lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) at Public Utility Jeepneys (PUJs) drivers sa Tarlac sa isinagawang Lalamove Tuloy Biyahe Program: Tsuper Onboarding Roadshow ngayong September 19, 2024 sa Kaisa Convention Hall. Ito ay naging posible sa bukas na ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa mga private organizations.

Sa Libreng Binhi, Seguridad sa Pagkain ay Wagi

Kami po gumagawa ng paraan, kami po gumagawa ng solusyon kung papaano tayo pwedeng makipagtulungan, kaya ito pong mga Hybrid Seeds na ito, sa hirap at pagod po namin para maibaba po ang mga tulong sa ating mga lokal na magsasaka sa lungsod maliban pa sa mga modern technology at iba pang mga programa at interventions na maaari nating ibahagi sa bawat isa para sa kaunlaran ng lahat. – Mayor Cristy Angeles Bagong pag-asa ang hatid ng mahigit 7,000 bags na tig 15 kilos na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Hybrid Seeds mula sa Department of Agriculture, Regional Field Office III, na nakalaan para sa mahigit 7,000 na mga local farmers na enrolled sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na magtatanim para sa dry cropping season, sa ginanap na Launching and Distribution of Certified Seeds ngayong araw, September 19, 2024 na ginanap sa Tibag Evacuation Center sa pangangasiwa ng Tarlac City Agriculture Office.

Distribution of Annual Cash Benefit of the City Government of Tarlac

Under the leadership of Mayor Cristy Angeles, to the senior citizens of Brgy. Burot and Dela Paz this September 17, 2024 Extra smiles were brought to the grandparents when the food packs offered by Tarlac City Senior Citizens Federation President Mr. Vic Angeles and his partner Coun. KT Angeles.

Safe and Flexible Space, Always a Good Place.

Mas maayos, mas pinatibay, mas pinaganda at handang-handa nang mapakinabangan ang layunin ng bagong Multi-Purpose Facility sa Batang-Batang Integrated School dahil sa maagap at tuloy-tuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles na nakatutok sa pagsasagawa ng mga mahalaga at maaasahang mga proyektong pang-imprastraktura sa lungsod upang maihatid ang layunin nito sa mga tao.