Kami po gumagawa ng paraan, kami po gumagawa ng solusyon kung papaano tayo pwedeng makipagtulungan, kaya ito pong mga Hybrid Seeds na ito, sa hirap at pagod po namin para maibaba po ang mga tulong sa ating mga lokal na magsasaka sa lungsod maliban pa sa mga modern technology at iba pang mga programa at interventions na maaari nating ibahagi sa bawat isa para sa kaunlaran ng lahat. – Mayor Cristy Angeles
Bagong pag-asa ang hatid ng mahigit 7,000 bags na tig 15 kilos na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Hybrid Seeds mula sa Department of Agriculture, Regional Field Office III, na nakalaan para sa mahigit 7,000 na mga local farmers na enrolled sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na magtatanim para sa dry cropping season, sa ginanap na Launching and Distribution of Certified Seeds ngayong araw, September 19, 2024 na ginanap sa Tibag Evacuation Center sa pangangasiwa ng Tarlac City Agriculture Office.