Makabagong pamamaraan ng pangangalaga sa mga pananim ang kaalamang hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa humigit-kumulang 20 attendees sa isinagawang Hydroponics Training on Foodshed sa Brgy. Batang-Batang sa pangangasiwa ng City Agriculture Office sa pangunguna ni City Agriculturist Ms. Norma Tongol ngayong February 16, 2024.

Empowering Barangay Officials in Pursuit of Good Governance!
Napakapalad po natin na patuloy tayong ginagabayan ng ating DILG para sa maayos, malinis at matapat na panunungkulan sa pamamagitan ng seminar na ito na naglalayong magabayan tayong lahat na mga bagong halal na opisyales ng inyong mga barangay. Lahat po tayo ay may matututunan sa seminar na ito bilang mga lingkod bayan. Hindi po tayo tumitigil na mag-aral at matuto upang lalo pang maragdagan at mapagyaman ang ating kaalaman, ika nga po, No One is Too Old to Learn New Things! Age doesn’t matter, what matters is yung serbisyong nanggagaling sa ating mga puso!” ~Mayor Cristy Angeles Batid ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang kahalagahan ng nagkakaisang pagsisilbi sa publiko. Para mapabuti at maiangat ang buong lungsod, matagumpay na pinabuti ang kakayahan at kapasidad ng lahat ng mga barangay chairman at buong konseho ng bawat barangay sa unang araw ng Barangay Newly Elected Officials (BNEO) towards Grassroots Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Basis Orientation Course na ginanap sa Kaisa Convention Hall ngayong February 14, 2024. Layon ng term-based program na ito na mapabuti ang kapasidad ng barangay at kakayahan ng mga opisyal, kawani at mga stakeholders upang maipatupad ang serbisyong kanilang ibinibigay at maitaguyod ang mabuting pamamahala sa bawat barangay.

Free Dialysis Treatment to aid your health needs.
Para mas marami pang matulungan ang butihing Ina ng Lungsod na si Mayor Cristy Angeles, tatanggap pa ng anim na pasyente sa susunod na linggo ang Tarlac City Dialysis Center na nagbukas at nag-operate noong January 22, 2024 . Sa ngayon, mayroong kabuuang 48 slots, 26 slots na ang occupied dito at may 12 na bed capacity ang Tarlac City Dialysis Center. Nagsisimula ang operasyon ng pasilidad mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes. Matatagpuan ito sa Hilario St., Brgy. Ligtasan, Tarlac City Hall katabi ng Tarlac City Animal Bite Treatment Center, Legislative Bldg.

Fur-fect Gifts for Your Fam-Pets!
Bagong taon, magandang regalo na Spay and Neuter para sa 48 pets ang handog ng kanilang mga fur parents na present naman para sa responsible pet ownership seminar na ginanap sa Tarlac City Veterinary Office, Brgy. Binauganan ngayong January 27, 2024.

Nagbabalik!! Hulaan time!
This band has made a name for itself as a force in the Philippine music scene. This is because of their unique blend of alternative rock, punk rock and ska music to moving ballads. Patok na patok sila across all ages kung kaya bida ang ilan nilang kanta sa mga rakrakan at videokehan. Gets mo na yan! Game? Sino sila?

Be captivated by the battle of beauty, wit, and charm as 18 remarkable candidates vie for the coveted crown.
Who will emerge as the fairest of them all? Join us at the Miss Tarlac City 2024 Coronation Night on January 16, 2024, 6:00 p.m. at the Tarlac City Plazuela and witness the crowning of Tarlaqueña’s finest. Hosted by Ms. Kelley Day and Martin Javier, with a special performance by Mr. Sam Milby! See you there!

DISCOVER LIMITLESS CAREER POSSIBILITIES, PESO AT YOUR SERVICE!
Sangkatutak na job opportunities ang namayagpag nitong nakaraang taon sa Tarlac City sa pagsisikap na maiangat ang antas ng pamumuhay at mapaunlad ang karera ng bawat kababayan sa syudad sa pamamagitan ng paglunsad ng iba’t ibang programa ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni PESO Manager Engr. Arnold Samson, naging posible nitong 2023 ang mga sumusunod: – Suportang pinansyal sa 192 mag-aaral habang natututo sa pamamagitan ng kanilang pagtatrabaho sa Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE). – Natulungan ang 1,619 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na mabigyan ng dagdag kita ang mga seasonal, contractual, at displaced na mga manggagawa kaagapay ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 mula sa mga pondong inilaan nila Sen. Koko Pimentel, Sen. Lito Lapid, Sen. Grace Poe, Sen. Joel Villanueva, Sen. Bato Dela Rosa, at Sen. Loren Legarda. – Nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho ang 3,849 na job seekers sa pamamagitan ng Local Recruitment Activity, 262 hired na aplikante mula sa malakihang job fairs, 27 naman mula sa Angel Care Trabaho Caravan na bumababa sa bawat barangay sa syudad, at dalawa sa ating kababayan ang nagkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagdaraos ng Special Recruitment Activity. – Pagkakaroon ng Employment Rate na 99.08% Pagtanggap ng parangal na BEST PERFORMING PESO (Regional)

Celebrate Tarlac City with an explosion of colors, fun, music, dance and lotsa love this Kaisa Festival 2024!
Block the dates and be updated with the calendar of events for the festival’s celebration brought to us by the City Government of Tarlac under the leadership of Mayor Cristy Angeles, with the theme “Sama-Sama sa Progreso, Pag-unlad at Pag-asenso sa Tarlac City Nagkakaisa Bawat Tarlaqueño”.

Are you ready for the Application or Renewal of your Business Permit?
Before going to the One-Stop-Shop, check the requirements first! Here is a list of documents that need to be prepared and a very easy process to go through to get or renew a Business Permit this new year. #BusinessPermitOneStopShop #TarlacCity#BPLO #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama

AWARDING OF SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE
Congratulations Tarlac City! Sa ikatlong pagkakataon ay muling ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ang Tarlac City sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Ang SGLG ang pinaka-prestihiyosong parangal para sa lokal na pamahalaan na tulad ng sa Tarlac City at naglilingkod bilang isang ilaw ng kahusayan, sumisimbolo sa dedikasyon ng mga LGU sa pagtataguyod ng pinakamataas na pamantayan sa pampublikong serbisyo. Ang tagumpay na ito ng Tarlac City sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy ay patunay ng pagsusumikap ng Ina ng Lungsod na umunlad at mapabuti ang kanyang pamumuno sa iba’t ibang aspeto, kasama na ang financial transparency, paghahanda sa kalamidad, social welfare and benefits, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapatupad ng batas, at iba pa. “This is not Mayor Cristy alone. Ang tagumpay na ito ay bunga ng collaborative effort ng mga department heads, mga kapwa ko kawani sa Tarlac City Government at ng mga kababayan natin na katulad nating naghahangad ng ikabubuti ng ating siyudad,” wika ni Mayor Cristy. Hangad ni Mayor Cristy na magpatuloy ang pagkakaisa dito sa Tarlac City. Ang mga pagkilalang tulad nito ay mas nagpapaigting pa sa mga programa para sa kabutihan ng mga Tarlakenyo. Nagpadala rin ang isang alkalde ng lubos na pasasalamat sa matagal nang tagasuporta na ice-casino.ca platform. Ang bawat residente ng Tarlac City ay malugod na inaanyayahan na tuklasin ang walang kapantay na libangan dito at magsimula sa isang kapanapanabik na paglalakbay na puno ng hindi kapani-paniwalang mga laro at pagkakataon. #TarlacCity#MayorCristyAngeles#SGLG2023