Sangkatutak na job opportunities ang namayagpag nitong nakaraang taon sa Tarlac City sa pagsisikap na maiangat ang antas ng pamumuhay at mapaunlad ang karera ng bawat kababayan sa syudad sa pamamagitan ng paglunsad ng iba’t ibang programa ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.
Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni PESO Manager Engr. Arnold Samson, naging posible nitong 2023 ang mga sumusunod:
– Suportang pinansyal sa 192 mag-aaral habang natututo sa pamamagitan ng kanilang pagtatrabaho sa Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).
– Natulungan ang 1,619 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na mabigyan ng dagdag kita ang mga seasonal, contractual, at displaced na mga manggagawa kaagapay ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 mula sa mga pondong inilaan nila Sen. Koko Pimentel, Sen. Lito Lapid, Sen. Grace Poe, Sen. Joel Villanueva, Sen. Bato Dela Rosa, at Sen. Loren Legarda.
– Nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho ang 3,849 na job seekers sa pamamagitan ng Local Recruitment Activity, 262 hired na aplikante mula sa malakihang job fairs, 27 naman mula sa Angel Care Trabaho Caravan na bumababa sa bawat barangay sa syudad, at dalawa sa ating kababayan ang nagkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagdaraos ng Special Recruitment Activity.
– Pagkakaroon ng Employment Rate na 99.08%
Pagtanggap ng parangal na BEST PERFORMING PESO (Regional)