PALIPARAN, INUTUSAN NG KORTE NA ISUKO ANG UPTOWN PUBLIC MARKET SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG TARLAC

Ipinag-utos ng Municipal Trial Court in Cities – Branch 2 na lisanin at isurender ng Paliparan Central Marketing Corporation (“Paliparan”) ang pamamahala ng Uptown Public Market sa Tarlac City Government, matapos mapatunayang lumabag ito sa mga probisyon ng kanilang kasunduan. Pinaboran ng korte ang pamahalaang lungsod sa kasong Unlawful Detainer o Ejectment na isinampa laban sa Paliparan, bunsod ng seryosong paglabag ng kumpanya sa mga itinakdang obligasyon sa ilalim ng kanilang Lease Agreement na pinirmahan noong Oktubre 7, 2014, sa pagitan ng noo’y Mayor Gelacio Manalang at ng Paliparan. Ayon sa kontrata, binigyan ang Paliparan ng karapatang upahan at pamahalaan ang Uptown Public Market sa loob ng 25 taon, kapalit ng taunang renta mula P3 milyon hanggang P15 milyon, gayundin ang mahigpit na pagsunod sa mga legal at pangkalinisan na pamantayan. Ngunit sa isinampang kaso, napatunayang nabigo ang Paliparan na ayusin, paunlarin, at panatilihing maayos at ligtas ang pamilihan. Inabuso nito ang tiwalang ibinigay sa kanila, dahil hindi lamang pabaya sa sanitation at maintenance, kundi nabigong sundin ang mga regulasyon ng lokal at pambansang pamahalaan ukol sa pamamalakad ng pampublikong pasilidad. Isa sa mga matibay na ebidensya ng paglabag ay ang Cease and Desist Order na inilabas ng Department of Environment and Natural Resources – Pollution Adjudication Board noong Oktubre 13, 2022. Ito ay dahil sa mga paglabag sa Republic Act No. 9275 (Clean Water Act) at Presidential Decree No. 1586 ukol sa environmental compliance. Dahil dito, inirekomenda ng DENR sa pamahalaang lungsod na itigil ang lahat ng operasyong nagdudulot ng polusyon sa lugar, kabilang ang pagputol ng suplay ng tubig at pag-ban sa pagbibigay ng anumang permit sa Paliparan. Simula pa noong 2019, wala nang business permit ang nasabing kumpanya. Bukod pa rito, mula Disyembre 2022 ay hindi na rin nagbayad ng buwanang renta ang Paliparan. Sa kabila ng mga paalala at demand letter mula sa pamahalaan, tuluyang nabigo ang kumpanya na magbayad—kaya’t isinampa ang kasong Ejectment upang mabawi ang karapatang ito ng lungsod. Sa desisyon ng korte, hindi tinanggap ang depensa ng Paliparan bilang makatwiran sa kanilang hindi pagbabayad. Kaya’t iniutos na agad nitong lisanin ang Uptown Public Market, isuko ang buong pamamahala sa City Government, at bayaran ang lahat ng hindi nabayarang renta mula Disyembre 2022, kasama ang legal na interes. Tinatayang aabot na ito sa mahigit P22 milyon hanggang sa petsa ng aktwal na paglikas.

ANGEL CARE BOTIKA ON WHEELS

Delivering Angel Care sa pamamagitan ng Botika on Wheels ang goal na achieved ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, sa paghahatid ng libreng gamot sa mga tahanan ng mga residenteng nag-request nito mula Brgy. Balete, Central, Mapalacsiao, Cut Cut II DPCH, Asturias, San Manuel, San Jose, San Francisco, Sapang Tagalog, at Paraiso ngayong March 5, 2025. Parte ito ng 3-in-1 na serbisyo ng Angel Care Pharmacy, tatlong paraan na makakakuha ng libreng gamot: 1. Pisikal na botika na located sa Tarlac City Hall Legislative Bldg. 2. Sa pagbaba ng Angel Care Program sa bawat barangay 3. Door-to-door delivery, ayon sa request sa Brgy. Health Center Taong 2017 pa ay namamahagi na ng libreng gamot sa mga barangay dahil batid ng Ina ng Lungsod ang kahalagan ng pagkakaroon ng access ng bawat Tarlakenyo dito para sa mas mabuting kalusugan. #AngelCarePharmacyonWheels#BotikaNgBayan#AngelCareProgram#MagkaisaBawatOrasSamaSama

It’s holiday, there’s still work! Double the fun!

“Do your best, God will do the rest! Think positive! Pag-pray lang po natin and if the job is for you, believe me, matatanggap kayo. We have good companies here na looking for the best. Be confident, give your best. Goodluck to all of you!” – Mayor Cristy Angeles The City Government of Tarlac, under the leadership of Mayor Cristy Angeles, successfully conducted Angel Mega Job Fair 2025 as part of the celebration of Kaisa Festival 2025 where 42 local companies, 2 overseas agencies, and 1 National Government Agency (BJMP) joined forces with 3,000 job openings in the Total this January 13, 2025 at Kaisa Convention Hall. In total, there were 1,101 total registered applicants, 880 total qualified applicants, and 187 Hired-on-the-spot. To ensure a continuous process in job hiring, there was also a One-Stop-Shop to complete the required documents of hired applicants who belong to the Philippine National Police for Police Clearance, Social Security System, PhilHealth, Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Labor and Employment, at EZ Care Medical and Diagnostic for medical requirements.

Swak na Kabuhayang Gift ni Mayor Cristy, ang Habit na Rabbit Raising sa Tarlac City

“Healthy ang rabbit meat, zero cholesterol, hindi ka magkakasakit sa puso pero ang lasa niya parang lasa rin ng manok at ng baboy. Marami tayong pwedeng gawin sa rabbit meat. Madaling alagaan, mura pa at mabilis pang dumami.” ~Mayor Cristy Angeles Maki-HOP IN sa healthier option na rabbit meat na isinusulong ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles kaisa si Engr. Reggie Chua ng Barbitson Farm na nagsagawa ng Rabbit Seminar para sa mga Bagay Tungkol sa Kuneho at Pilmico Kunemax na tinalakay ang Rabbit Production. Early Christmas gift ang higit 180 rabbits na handog ni Mayor Cristy Angeles kaisa si Coun. KT Angeles at First Gentleman Mr. Vic Angeles sa isinagawang 3rd Batch ng Rabbit Awarding at Pass the Gift: Rabbit para sa higit 90 na benepisyaryo ng Civic Society Organization (CSO) ngayong December 11, 2024 sa Kaisa Convention Hall bunga ng layunin ng Ina ng Lungsod na maging financially independent ang bawat kababaihan sa Lungsod ng Tarlac at isulong ang karne at industriya ng pagkukuneho bilang alternatibong source ng protina at pagkain. Bukod dito, ipinamahagi rin ang daan-daang bigas mula sa Office of the Civil Defense para sa ating mga kababayang naapektuhan ng mga nakaraang kalamidad.

“To God be the honor and glory, patuloy po tayong binibiyayaan, pinagkakalooban ng mga ganitong blessings. Maswerte na po tayo sa Tarlac City dahil sa pagmamahal ng Panginoon.” ~Mayor Cristy Angeles

Tulong-tulong ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paghatid ng serbisyo para sa mga higit 60 kababayan nating natamaan ng kalamidad sa Brgy. San Isidro kaisa ang The Office of the Civil Defense (OCD), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), opisina ni Sen. Bong Go, City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles at barangay council. Layunin ng naganap na Payout na Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) Emergency Shelter Support sa Tarlac City ngayong November 22, 2024 na tulungan ang ating mga apektado at nasalantang kababayan partikular na ang mga nasiraan ng tahanan sa pagbababa ng pinansyal na tulong para kanilang maipundar o maitayo ang kanilang bahay.

Tarlac City Belenismo 2024 Entry: Pasok sa Final Judging!

Ang official entry ng Tarlac City para sa ika-17 season ng Belenismo sa Tarlac 2024 na may temang “Floral Ode to Beauty and Love: An Environmental Stewardship Celebration of the Sacred Birth” ay opisyal nang pasok sa Final Judging! Isinagawa ito ngayong gabi, Nobyembre 23, 2024, na pinalamutian ng makabagbag-damdaming Christmas carols mula sa San Pedro Chorale. Ang obra maestrang ito ay isang paanyaya na kilalanin ang mahalagang ugnayan ng kalikasan at kabanalan. Isang simbolo ng pagkakaisa sa pananampalataya, kultura, at pangako ng Tarlac City sa pangangalaga sa ating kalikasan—isang natatanging parangal sa sagrado at natural na mundo ngayong kapaskuhan. Patuloy tayong magkaisa at ipakita ang galing at puso ng Tarlac City sa Belenismo!

Negosyong Bigasan Para sa mga Kababaihan

Dahil sa walang sawang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng pagsisikap ni Mayor Cristy Angeles na makahanap ng pondo sa tulong ng DOLE ay naibaba at naipagkaloob ang programang Rice Trading Business, na may layuning magamit ang ipinahiram na pondong ito upang maging puhunan para makapag-umpisa sa negosyong bigasan para sa mga benepisyaryo nito mula sa tatlumpung (30) barangays, na mayroong humigit kumulang 500 beneficiaries ngayong araw, kaantabay ang Public Employment and Services Office (PESO) sa Tarlac City Kaisa Convention Hall. Malaki po ang pasasalamat natin sa DOLE dahil sa mga programang nagagamit natin para sa ating mga mamamayan sa kanilang paglago at pag-unlad. Pakiusap ko lamang po na sana ay gamitin niyo ito wisely at mapalago ang negosyong ito. Naniniwala po ako na posible ang pag-asenso, basta’t tayo ay Magkaisa Bawat Oras Sama-Sama! – Mayor Cristy Angeles

Always In Public Service With A Heart

No choice, everyone was very attentive, true service for all! This continues to be proven in the first and only program of the Mother of the City, People’s Day. Removes worries because of its wide coverage in helping our countrymen with their respective grievances and health concerns, and many more.

When International Samaritans Partnered with Angels…

The City Government of Tarlac, under the leadership of Mayor Cristy Angeles, continues its vigorous support for the visions of the Rise and Rebuild International Foundation of aiding the poor and uplifting communities. During the visit of the foundation’s founder, Mr. Ray Goodson, together with his wife, Debbie Goodson, his children, and doctors from the University of Utah today, he expressed his appreciation to the local government and school leaders for their dedication to the well-being of the children. He also emphasized that malnutrition can be resolved and stressed the importance of collective efforts to ensure that the solution to malnutrition is a lasting change rather than a temporary one. They have also handed over thousands of doses of medicines to the Tarlac City Health Office for the deworming of children in the city. The local government and the Foundation commit to working hand-in-hand in empowering communities, promoting sustainable agriculture through the establishment of garden centers and greenhouses, and ensuring that every child has the opportunity to thrive through having a healthy well-being brought by scrumptious and nutrition-packed meals provided by the nutrition centers.