Ang official entry ng Tarlac City para sa ika-17 season ng Belenismo sa Tarlac 2024 na may temang “Floral Ode to Beauty and Love: An Environmental Stewardship Celebration of the Sacred Birth” ay opisyal nang pasok sa Final Judging! Isinagawa ito ngayong gabi, Nobyembre 23, 2024, na pinalamutian ng makabagbag-damdaming Christmas carols mula sa San Pedro Chorale.
Ang obra maestrang ito ay isang paanyaya na kilalanin ang mahalagang ugnayan ng kalikasan at kabanalan. Isang simbolo ng pagkakaisa sa pananampalataya, kultura, at pangako ng Tarlac City sa pangangalaga sa ating kalikasan—isang natatanging parangal sa sagrado at natural na mundo ngayong kapaskuhan.
Patuloy tayong magkaisa at ipakita ang galing at puso ng Tarlac City sa Belenismo!