#Mala shake, rattle and roll na eksena ang mas pinalawak na paghahanda at pagtataas ng antas ng kamalayan ng bawat isa sa lindol.

Tulong-tulong itong isinusulong ng lahat ng ahensya ng gobyerno at ng pribadong sektor kaisa ang City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa isinagawang Online Ceremonial Pressing of the Button para sa 2024 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Office of Civil Defense ngayong September 26, 2024, 9am para sa pinagsama-samang kagalingan, kaalaman at kakayanan ng bawat isa pagdating sa usaping lindol.