Batid ng Ina ng Lungsod na ang pag-aaral ay nangangailangan ng mga gastos maging ito ay para sa matrikula, pagkain, transportasyon, o mga libro, kaya naman tuloy-tuloy ang pagganap ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles upang maitodo ang paggabay sa mga masisipag na scholar ng bayan upang maipagpatuloy ang pagkamit ng kanilang mga pangarap.

Ipinamahagi ngayong araw ang Scholarship Allowance para sa 910 na iskolar ng lungsod para sa Academic Year 2024-2025, parte ng City of Tarlac Integrated Scholarship and Incentive Program (CTISIP) sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pangangasiwa ng City Treasury Office para sa mga sumusunod:

•P10,500 (8,000 allowance, 2,509 book allowance) kada isa sa (386) Full Scholars ng Tarlac State University (TSU) at (26) Full Scholars ng Tarlac Agriculture University (TAU);

•P8,000 Grantee 1 scholars – TSU (309), TAU (17) at Private Schools (62)

•P4,000 Grantee 2 scholars – TSU (102), TAU (1) at Private Schools (7)

Work hard, have fun, make history.