Menu

HON. PEEJAY E. BASANGAN

CITY COUNCILOR

May liwanag ang buhay, mga katagang sinambit ni Peejay sa burol ng kaniyang namayapang amang si Konsehal Pepito "Abel" Basangan noong Marso 2019, mga katagang ipinangako na ipagpapatuloy na pasisinagin para sa mga kababayang Tarlakenyo upang silay magkaroon ng maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng tapat at malinis na serbisyo.

Sa biglaang pagpanaw ni Ka Abel, si Konsehal Peejay ang napili upang humalili rito dahil sa pagiging mapagkumbaba at malapit sa taumbayan. Bagito man sa larangan ng pulitika, natuto namang magsikap sa buhay at sa paggabay ng butihing ama noon, unti unti ay nakagawian ang pakikisalamuha sa mamamayan, hanggang sa kaniyang naging propesyon bilang isang physical therapist.

Mula sa barangay Culipat kung saan nanilbihan din ang ama bilang kapitan habang siya ay miyembro ng Culipat Youth Catholic Council mula 2002-2004, natutunan ni Konsehal Peejay ang kahalagahan ng pagiging isang lider upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar kaya naman hindi nagdalawang isip nang mabigyan ng pagkakataon na tumakbo bilang konsehal ng lungsod.

Bilang bagong halal na mambabatas, isinusulong ni Konsehal Peejay ang interes at karapatan ng mangagawang Tarlakenyo, ang pagpapalawak at pagpapatibay ng mga programa sa agrikultuka at kooperatiba, at itinataguyod ang mga program sa kalusugan. 

Nag-aral ng high school sa Osias Colleges Inc at natapos ng kursong Bachelor of Science in Physical Therapy sa Central Luzon Doctor's Hospital Educational Institution at matapos ang pagaaral ay namasukan bilang medical representative sa isang pribadong kumpanya at kalaunan ay sa Tarlac Provincial Hospital upang maging bihasa sa tinapos na kurso.

Siya ay sumailalim sa maraming pagsasanay na pangunahing layunin ay ang pagkalinga sa may kapanansanan.

Dahil sa pagiging panganay, siya ngayon ang tumatayong padre de pamilya ng mga Basangan kasama ang inang si Sylvia at ama na rin sa nagiisang anak na si Persues Jacob sa asawang si Mary Anne na kaakibat niya ngayon sa pagtataguyod ng kanilang sariling pamilya bilang isang staff nurse sa ibayong dagat.