Menu

HON. JUDE JOSEPH S. DAVID

CITY COUNCILOR

Tunay na anak ng Tarlac na naipanganak dito noong October 28,1958 at kasalukuyang naninirahan ngayon sa barangay Maliwalo, Tarlac City

Nagtapos ng kanyang elementarya sa Holy Spirit Academy (ngayon ay College of the Holy Spirit Tarlac) 1967-1971 at secondary sa Don Bosco Academy (ngayon ay Don Bosco Technical Institute) mula 1971-1975 at ng kanyang tersiyaryo sa Osias College Inc. noong 1976-1979 sa kursong Bachelor of Science in Management.

Si Konsehal Joji ay kapwa aktibo sa organisasyong sibiko at pang-relihiyon dahil sa dami ng mga hinawakan at sinamahang grupo sa probinsya, ilan dito ay ang Rotary Club of Tarlac kung saan siya ay pangulo nito mula 1990-1991, Knight of Columbus- 1st degree member, Philippine National Red Cross (PNRC) - Tarlac Chapter Board Member at Parish Renewal Experience (PREx) Batch 43 - St Michael the Archangel Parish, Vice Chairman Cursillos in Christianity- Tarlac bukod pa dito naging Presidente siya ng GPTA sa Ecumenical School, Don Bosco Techincal Institute at College of the Holy Spirit.

Dahil may kaya ang pamilya nuya ay may karanasan na sa pulitika,masasabing beterenong pulitiko na rin si Konsehal Joji dahil mula 1998 hanggang 2001 ay nanungkulan siya bilang Board Member ng Tarlac 2nd District at pagpasok ng 2004 ay naglingkod naman bilang City Councilor kung saan nakapagtapos ng 3 termino kung saan sa mga panahong ito ay naitalaga rin bilang Provincial Federation President (2007-2010) at Ex - Officio Board Member ( 2010-2013) ng Philippine Councilor's League. Muli siyang nagbalik Kapitolyo bilang Board Member ng Ikalawang Distrito ng Tarlac ( 2013-2022) para sa 3 termino. At nitong nagdaang halalan 2022 ay naibotong ikatlong pinaka-mataas na City Councilor at kabilang ng 9th Sangguniang Panlungsod.

Sa kanyang kahanga-hangang panunungkulan ay naparangalan din si Konsehal Joji ng Most Outstanding Provincial Board Member of the Philippines sa Gawad Parangal 2000 ng Gawad International Inc. noong ika- 12 ng Nobyembre 2005 sa Manila Hotel at Outstanding City Councilor asa 4th Midyear Media Congress ng Central Luzon Media Associations, Inc. noong ika-11 ng Hunyo 2005 sa Farmlandia Resort and Hotel sa Bataan.

Sa kanyang pagiging pribadong mamamayan, Si Konsehal Joji ay buthing asawa kay Gng. Liberty at mapagmahal na ama sa 4 na anak na sina Jenica Laurie, Jude Joseph II, Jared Joseph at Josephine Bettina.