HON. ENRICO J. DE LEON
Tinaguriang "Leon Guerrero" ng Konseho dahil sa katapangan sa pakikipaglaban kung ano ang tama,nararapat, at naaayon sa batas, si Konsehal Henry ay may busilak na kalooban at likas sa pagiging simple kung kaya't kinikilala bilang tapat at makamasa. Siya ay sadyang malapit sa mamamayan lalo na sa mga sektor ng agrikultura na ilang taon niyang pinamunuan ang komitiba nito mula nang maging mambabatas.
Si Konsehal Henry ay isang beterano pagdating sa paggawa ng batas dahil na rin sa mahabang panahong ginugol bilang isang lingkod bayan sa lungsod ng Tarlac mula 2001-2010. Matapos ito ay tumakbo bilang Bokal (Board Member) ng ikalawang Distrito ng Tarlac kung saan nakapagsilbi siya ng tatlong termino 2010 hanggang 2019 bago ang kaniyang pagbabalik sa lungsod bilang miyembro ng ika-8 Sangguniang Panlungsod. Naging miyembero rin siya ng Councilor's League of the Philippines at Provincial Board Members League of the Philippines, Inc.
Sa ilalim ng liderato ni noo'y City Mayor Genaro "Aro" Mendoza, naipatupad niya ang mga ordinansa gaya ng Magsikap,Magsaka,Mangisda Ordinance bilang permanenteng Cooperative Development Program ng pamahalaang lungsod at sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Angeles - ang mga Ordinansang Bantay ASF o ang Babay ASF Program ng lungsod, ang pagtatalaga sa mga bakanteng espasyo sa may Uniwide Area ng Brgy. San Nicolas bilang Pay-Parking Areas at ang paparehistro sa pag-aari ng mga kagamitang pang agrikultura at makinaryang pang pangisdaan.
Isinulong niya rin ang Local Housing Board ng pamahalaang lungsod; ang pagpapagawa ang irigasyon ng palaisdaan sa mga Barangay ng Sto. Domingo, Laoang, San Juan De Mata, Care,Ungot,Tibagan, at Sapang Maragul pati ang mga alintuntunin sa paggamit ng mga ito; at ang pagbibigay ng insentibo sa mga nagbabayad ng buwis na nakapag-ayos ng kanilang delikwenteng mga bayarin.
Si Konsehal Henry ay nag-aral ng elementarya sa San Jose Elementary School at sekondarya sa Don Bosco Technical Institute Tarlac samantalang tinapos ang kursong BS Civil Engineering sa University of the East at nakuha ang lisensya bilang ganap ng inhinyero noong 1982.
Si Konsehal Henry ay asawa ni Jocelyn at ulirang ama kina Riyela Marrise, Erica Joy, Reb Marti at Paul Miko.