Matagumpay na pangatlong araw ng Angel Cut Operation Tuli sa Tarlac City ang serbisyong handog ng Angel Care Program ni Mayor Cristy Angeles ngayong June 26, 2024 sa Kaisa Convention Hall.

Thankful at proud na 598 kabataang lalaki ang nakatanggap ng libreng pagpapatuli sa tulong ng City Health Doctors, Nurses at Staff ng City Health Office at libreng gamot mula Angel Pharmacy para sa agarang paggaling. May pa-ice drop pa bilang gantimpala sa ipinamalas nilang katapangan!