Ang hirap niyo naman pong i-evaluate, wala kaming maisulat. Very good, very commendable! – Ms. Mary Grace Manabat, CAO – ARTA, Central Luzon Regional Office

Kaisa ng Anti-Red Tape Authority o ARTA ang City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa pagpapaangat ng kalidad ng serbisyo sa mga ahensya ng gobyerno sa pinalakas na kapasidad ng bawat departamento o opisina ng Pamahalaang Lungsod at sa pakikiisa sa pagsunod at pagtiyak na lahat regulasyon, batas at polisiya ay dumaan sa masusing pag-aaral para sa pinabilis na proseso ng transaksyon sa gobyerno.

Tungo sa progresibong at produktibong epekto nito, muling isinagawa ng ARTA Regional Office ang regular inspeksyon sa City of Tarlac para sa validation ng mga action plans at pagsusuri sa estado ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) ayon sa Republic Act 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Asahan ang patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para mapabilis ang proseso, maitaas pa ang kalidad ng mga serbisyo ng gobyerno para sa publiko tungo sa masiglang kalakaran sa ating lungsod dahil sa City Government of Tarlac, “Bawal ang RED TAPE!”