“Healthy ang rabbit meat, zero cholesterol, hindi ka magkakasakit sa puso pero ang lasa niya parang lasa rin ng manok at ng baboy. Marami tayong pwedeng gawin sa rabbit meat. Madaling alagaan, mura pa at mabilis pang dumami.” ~Mayor Cristy Angeles

Maki-HOP IN sa healthier option na rabbit meat na isinusulong ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles kaisa si Engr. Reggie Chua ng Barbitson Farm na nagsagawa ng Rabbit Seminar para sa mga Bagay Tungkol sa Kuneho at Pilmico Kunemax na tinalakay ang Rabbit Production.

Early Christmas gift ang higit 180 rabbits na handog ni Mayor Cristy Angeles kaisa si Coun. KT Angeles at First Gentleman Mr. Vic Angeles sa isinagawang 3rd Batch ng Rabbit Awarding at Pass the Gift: Rabbit para sa higit 90 na benepisyaryo ng Civic Society Organization (CSO) ngayong December 11, 2024 sa Kaisa Convention Hall bunga ng layunin ng Ina ng Lungsod na maging financially independent ang bawat kababaihan sa Lungsod ng Tarlac at isulong ang karne at industriya ng pagkukuneho bilang alternatibong source ng protina at pagkain.

Bukod dito, ipinamahagi rin ang daan-daang bigas mula sa Office of the Civil Defense para sa ating mga kababayang naapektuhan ng mga nakaraang kalamidad.